Bagong ‘Voltes V’ live action drama sa GMA, aarangkada na sa taping

  • Magkakaroon ng Philippine adaptation ang classic Japanese anime na “Voltes 5” na ipalalabas sa GMA Network
  • Ang direktor ng live-action drama ay nagbahagi na ng “sneak peek” ng mga aktor na gaganap sa mga karakter na bida sa anime
  • Nauna nang naibalita ang paghahanda sa shooting ng nasabing  adaptation sa gitna ng pandemya

Napanood mo rin ba dati ang anime na “Voltes V?” Tungkol saan ang kuwento nito? Kinakanta o alam mo pa rin ba ang theme song nito na tiyak na kilala ng mga batang 90s?

Imahe mula Instagram

Magandang balita para sa mga batang 90s o Gen Y ang pagpapalabas muli sa telebisyon ng classic Japanese anime na “Voltes V.” Subalit imbes na anime, magkakaroon ito ng Philippine adaptation: isang live action drama na mapapanood sa GMA Network.

Lumabas ang balita na aarangkada na sa shooting ang  “Voltes V Legacy” ayon na rin sa magiging direktor nito na si Mark Reyes. Ibinahagi niya sa Instagram account ang black and white photo collage ng mga artistang gaganap bilang mga bida ng nasabing live-action anime.

Hindi tuwirang ipinakita ni Direk Mark ang hitsura ng apat na Kapuso stars na bibida bilang sina Steve, Big Bert, Mark, at Jamie ng Voltes V. Tiniyak niya na mahihirapan ang mga netizen sa paghula kung sino ang mga ito at naka-off din ang comment section ng nasabing litrato.

Imahe mula Instagram

Ang black and white collage photo ay kuha matapos magkaroon ng costume fitting ang mga karakter sa pinakabagong Voltes V series. Nilagyan ito ni Direk Mark ng caption na: “Steve, Big Bert, Mark and Jamie had their measurements taken for their V5 flight suits today. #voltesvlegacy @gmanetwork #productionbeginssoon.”

Kamakailan ay nauna nang naibalita paghahanda para sa taping ng “Voltes V Legacy” sa gitna ng pandemya.  Karaniwang nagkakaroon ng “lock in taping” ang mga programa kung saan nasa iisang lugar lamang ang mga aktor at crew at hindi papayagang lumabas hangga’t hindi natatapos ang shooting.

Imahe mula Instagram

Noong Oktubre, inanunsyo ni Direk Mark ang kanilang lubos na paghahanda sa pre-production ng programang Voltes V Legacy. Ibinahagi rin niya ang teaser sa kanyang Instagram upang ipaalam sa publiko ang pagdating ng bagong Voltes V.

Una nang sinabi ni Direk Mark na hindi gaanong mahihirapan ang grupo sa taping ng Voltes V Legacy dahil naka-focus ang production sa magiging computer graphics ng live-action drama.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: