Bagong Kapuso na si Richard Yap, nais sumubok sa comedy at makatrabaho si Michael V

  • Kamakailan ay pumirma na ng kanyang kontrata ang Chinoy actor na si Richard Yap sa GMA Artist Center
  • Bilang pinakabagong Kapuso, excited si Yap sa mga darating na proyekto sa GMA Network kabilang na ang mga drama at pelikula
  • Sinabi rin ni Yap na nais niyang makatrabaho ang komedyante na si Michael V at subukan ang paggawa ng mga comedy

Ilang araw bago ang pagsapit ng Pasko, pumirma ng management contract ang actor, singer, model, content creator, at businessman na si Richard Yap sa GMA Artist Center (GMAAC).

Imahe mula kay Richard Yap via Instagram

“Siyempre, we’re very happy, 10 days before Christmas, we have something really nice to impart to our viewers na mayroon tayong bagong member ng ating Kapuso family, ng GMA Artist Center. Next year, you can expect him to be on primetime, we’re already cooking up a soap opera for him with our Kapuso artists,” ani GMA Senior Vice President for Entertainment Group Lilybeth G. Rasonable na present noong contract signing ni Yap.

Unang nakilala si Yap sa kanyang papel bilang si “Sir Chief” sa programa ng ABS-CBN na Be Careful with My Heart katambal si Jodi Sta. Maria. Ngayon ay hindi umano siya makapaniwala na isa na siyang Kapuso.

“I’m actually quite overwhelmed as I never thought this would come about. Now that it’s finally here, I am just so happy and so thankful to become a part of the Kapuso family,” panayam ni Yap.

Imahe mula kay Richard Yap via Instagram

Sa pagkakataong ito, nais umano ni Yap na sumubok ng ibang genre sa pag-arte tulad ng comedy.

Aniya, “We’re planning to experiment into all genres right now. We can do comedy, we can do action, we can do romcom again. We’re really open to doing anything right now to see what fits and what works with us.”

Isa umano sa mga nais niyang makatrabaho ay ang komedyante na si Michael V.  “Siguro… I’ve been following Bubble Gang for a long time, ever since I was how many years ago was that…so Michael V. is one of the male actors that I would like to work with,” dagdag ni Yap.

Gusto rin umano niyang makatrabaho ang mga Kapuso artists na hindi pa niya nakakasama sa proyekto. Noong Agosto, nagbahagi si Yap ng behind-the-scenes photo kasama ang Kapuso stars na sina Ken Chan at Rita Daniela para sa pelikulang “My First Your Last” kung saan siya kabilang.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: