Babaeng food delivery rider na nakabisikleta, nagpabilib sa customer kahit natagalan ito bago dumating

  • Bumilib ang isang customer sa babaeng food delivery rider dahil naka-bike ito nang ihatid ang kanyang order
  • Kaya pala ito natagalan makarating ngunit bale wala naman ito sa customer
  • Samantala, 2018 pa nang tumanggap ng mga bike riders ang isang food delivery app para sa kanilang “Go-Green Campaign”

Karaniwan na tayong nakakikita ng food delivery rider na naka-motor. Ito kasi ang transportasyon na mas mabilis makalulusot sa nagsisiksikang trapik sa daan. Kailangan ito para agad na makarating ang orders sa itinakdang oras.

Imahe via Eam Raketera Sa Gensan | Facebook

Ngunit isang rider and nagpabilib sa kanyang customer dahil ito ay hindi naka-motor kundi naka-bike.

Ikinuwento ni Eam Raketera Sa Gensan sa Facebook na umorder siya ng milk tea sa kanyang kaibigan gamit ang Food Panda app. Nagtaka raw siya kung bakit matagal ang update ni Food Panda. Makaraan ang 25 minuto may tumawag na babae rider. Sinabihan ni Eam na sa Gillamac’s Building lang ihahatid ang kanyang order.

Pagkatapos ng 10 minuto tumawag ulit ang babaeng rider na nandoon na raw siya sa labas. Lumabas naman si Eam at hinanap ang Food Panda na motor ngunit wala siyang nakita. ‘Yon pala naka-bike ang babaeng rider at nasa likuran siya banda ng building.

“Na-excite ako pagkarinig ko na naka-bike siya,” pahayag ni Eam sa kanyang post.

Imahe via Eam Raketera Sa Gensan | Facebook

Pagkabigay sa kanya ng inorder na milk tea, humingi ang rider ng paumanhin dahil natagalan ito. Ngunit bale wala ‘yon kay Eam. Nalaman niyang bago lang pala natutong magbike ang rider at noong naghanp and kompanya ng tagahatid, lakas loob siyang nag-apply.

“Maka-wow! Maka-proud gyud! Walay rason para mureklamo og walay income. Paningkamot. [Maka-wow! Maka-proud talaga! Walang dahilan para magreklamo na walang income. Magsipag.],’ pahay niya.

Dinagsa ang comment section ng reaksyon ng mga netizens. Marami na rin pala ang nakapansin sa babaeng rider na ito sa lungsod. Bumilib din sila dahil kahit tirik ang init ng araw ay nakikita nila itong naghahatid ng mga pagkain.

Samantala, taong 2018 pa nang isinama ni Food Panda ang mga bicycle riders sa kanilang food delivery. Kabilang ito sa kanilang “Go Green Campaign”. Sa paggamit kasi ng bike, magandang ehersisyo na ito sa katawan, hindi pa ito nakadadagdag sa polusyon sa kapaligiran,


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: