ALAMIN: Ano ang holiday scam at paano ito maiiwasan

  • Ngayong paparating na holiday, naglipana ang mga scam na maaaring matanggap via Internet at text
  • Sumasabay din sa modernisasyon at teknolohiya ang mga scam na maaaring maganap kapag pinindot ang isang link
  • Nagbabala ang mga eksperto tungkol sa mga holiday scam na ito na talamak ngayon online, o sa text at maski call na nagpapakilala bilang bangko

Iba’t ibang ‘holiday scam’ ang nauuso ngayon lalo na sa Internet at texts. Gamit ang iba’t ibang promo o nakakukumbinsing mga alok, maraming Pinoy ang naloko na ng mga scam na talamak ngayong sasapit ang Pasko.

Imahe mula Freepik

Sa inilabas na balita ng GMA News kamakailan, ilang depositor umano ang naubos ang pera sa kanilang mga bank account matapos makatanggap ng e-mail na nagkunwaring taga-bangko at sinabing mayroon silang matatanggap na regalo o benepisyo basta’t ibigay lamang ang hinahanap na impormasyon.

Mahusay ang naging “interface” ng e-mail na tila mapagkakamalan talagang mula sa bangko. Dahil dito, hindi nagduda ang mga biktima at pinuntahan ang “link” na nakalakip sa e-mail. Nakuha ang personal information nila sa bangko at nalimas ang kanilang mga pera. Ang ganitong uri ng scam ay tinatawag na phishing.

Dahil karamihan ng mga transakyon ngayon ay online, naging mas aktibo rin ang mga scammer na maghanap ng kanilang mga biktima sa pamamagitan lamang ng pagpapadala ng e-mails o maski chats.

Imahe mula Freepik

Bukod sa Internet, maaari ding makatanggap ang mga maaaring mabiktima ng scam ng text messages na nagsasabi na nanalo sila sa isang raffle kahit hindi naman nila ito sinalihan. Subalit bago umano makuha ang papremyo ay kinakailangan muna nilang magpadala ng pera.

Bukod sa texts, mayroong ding nauusong scam via phone call na ibinahagi ng netizen na si Dex Galbans sa isang Facebook post na viral na ngayon. Dito ay ikinuwento niya kung gaano kagaling mangumbinsi ang caller na isa umanong “bank representative” at alam din nito ang mga sasabihin at protocol tuwing may bank call.

Sinubukan ng scammer na hingin umano ang detalye ng kanyang credit card at sinabing maaaring ma-block ang kanyang account kapag hindi ito ibinigay. Naging alisto naman ang netizen at nagmatigas na hindi ibinigay ang buong detalye ng kanyang credit card. Matapos ang tawag, tumawag ang uploader sa kanyang mismong bangko at dito ay nalaman niyang ang tumawag sa kanya ay isang scammer na lubos na na-train upang manloko via call.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: