‘A completely different thing to be present’: Catriona personal na namahagi ng ayuda sa Catanduanes, CamSur

  • Personal na pumunta at tumulong sa relief operation si Miss Universe 2018 Catriona Gray sa mga lugar na labis na naapektuhan ng mga nagdaang bagyo
  • Ayon kay Catriona, kakaiba ang feeling na personal na makapunta at makatulong sa mga kababayan na nasalanta ng bagyo
  • Nagpasalamat siya sa mga nagbigay ng donasyon at hinikayat din ang mga kapwa Pinoy na tumulong

Bilang pagtulong sa mga kababayan na labis na nasalanta ng mga nagdaang bagyo noong mga nakaraang buwan ay personal na pumunta at tumulong si Miss Universe 2018 Catriona Gray sa mga lugar na naapektuhan ng bagyo.

Imahe mula Instagram

Kasama ang ahensyang Red Cross, pumunta sina Catriona sa Camarines Sur at Catanduanes upang maglunsad ng relief operation sa pamamagitan ng pag-abot ng mga nalikom nilang donasyon.

Traveled with @philredcross to typhoon effected areas Cam Sur and Catanduanes to be present in the giving of Multipurpose Cash Grant and Shelter tool kits,” ang inilagay na caption ni Miss Universe 2018 kalakip ang kanilang mga litrato habang isinasagawa ang relief mission.

Pinasalamatan ni Catriona ang lahat ng nagbigay ng donasyon para sa mga nasalanta, “I just want to say THANK YOU to all of our donors, locally and abroad, who have come together to give to our typhoon-affected kababayans.”

Imahe mula Instagram

Ani pa ng beauty queen, “It’s one thing to call for awareness and donations on my platforms, but a completely different thing to be present in person when the aid is given.”

Nanawagan din si Catriona sa mga kababayan para sa donasyon at suporta sa mga Pinoy na nasalanta ng bagyo dahil marami pang lugar ang kinakailangan ng tulong at suporta upang makabangon muli ang kanilang kabuhayan. ““Your donations go towards rebuilding, giving essential needs and support to those in need.”

Kamakailan, napabilang si Catriona sa listahan ng Lifestyle Asia’s latest Agents of Change ngayong taon dahil sa mga ipinamalas niyang adbokasiya. ““Beyond the crown, the glamorous gowns, and the iconic lava walk, the Miss Universe of 2018 continues to inspire and reach out to different communities. While she has passed on the crown, Catriona remains committed to her advocacies,” ang nabanggit sa artikulo ng nasabing magazine.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: