WATCH: Mike Enriquez may bagong blooper sa 24 Oras, tinawag ang sarili niyang si “Ivan”

  • Kilala ang batikang reporter at journalist na si Mike Enriquez hindi lamang sa matapang niyang pagbabalita kundi maski sa mga kakatwang nangyayari habang siya ay nagbabalita
  • Kamakailan, dagdag sa “bloopers” ng reporter ay nang hindi niya sinasadyang matawag ang kanyang sarili na “Ivan” na kanyang kasamahan sa 24 Oras
  • Bukod rito, marami pang ibang bloopers noon pa ang nasabing reporter

Sa pagbabalita sa telebisyon, kinakailangan seryoso at may tindig ang mga reporters, samahan pa ng kanilang nakabibilib na boses at klarong pananalita. Subalit dahil live ang pagbabalita, hindi maiiwasang magkaroon ng mga kakatwang pangyayari at pagkakamali ang mga reporters.

Imahe kuha mula sa video via Facebook

Kilala ang beteranong journalist at batikang reporter na si Mike Enriquez dahil sa kanyang matapang na pagbabalita at respetadong imahe. Ngunit bukod rito, siya rin ay laman ng iba’t ibang meme sa social media dahil sa kanyang mga nakatutuwang pagkakamali habang live na nagbabalita.

Kamakailan ay nagkaroon ulit ng “blooper” si Mike habang patapos ang programang 24 Oras kung saan isa siya sa mga main host kasama ang batikang reporter din na si Mel Tiangco.

Sa pagtatapos ng programa ay isa-isang magpapaalam ang mga reporter, unang nagpaalam si Mel at sinabing “ako po si Mel Tiangco…” at sunod na magsasalita ay ang reporter na si Ivan Mayrina na nasa labas ng studio, subalit nagkasabay na magsalita si Ivan at Mike Enriquez.

Imahe kuha mula sa video via Facebook

Biglang nasabi ni Mike na, “ako po si Ivan…” at dahil dito ay biglang nagulat, napaturo siya kay Ivan na nasa isang screen, “Si Ivan pala iyon,” ani Mike habang nakangiti.  “Hindi ikaw si Ivan. Hindi ikaw, Mike,” ang nakangiti ring sinabi ni Mel at sinabing ulitin ang kanilang spiel.

“O, ayan na si Ivan. Go ahead, Ivan!” ani Mel at nagpaalam na si Ivan. Nang magsalita naman si Mike, ang kanyang nasabi ay “Ako po si Mike Enriquez na humihingi ng pasensiya kay Ivan Mayrina.” Sinagot naman ito ni Ivan ng “walang problema, Mike,” habang patuloy pa rin na nakangiti.

Matatandaan na hindi lamang ito ang blooper ni Mike, dahil noon ay mayroon din siyang kumalat na video na tinawag niya ang sarili niyang si “Mel.” Hindi rin nawawala sa kanyang mga bloopers ang pagkabulol at pag-ubo habang nagbabalita.

Ano man ang mangyari, nananatili pa ring professional si Mike at nagpapatuloy na lamang na nagbabalita. Mike Enriquez, walang tinatantanan! Panoorin ang blooper video dito:


Loading...
Source :

Facebook, PEP

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: