Para-paraan: Lalaki naisalba ang kotse sa gitna ng pagbaha dahil sa kanyang diskarte

  • Isa sa mga pinakanakapanghihinayang na gamit na maaaring masira tuwing may matinding pagbaha ay ang mga sasakyan
  • Naisipan ng lalaki na balutin ng lona ang kanyang sasakyan sa kasagsagan ng baha sa kanilang lugar sa Cainta, Rizal
  • Hindi makapaniwala ang lalaki na lulutang ang sasakyan na binalot nila ng lona, tinalian, at nilagyan ng mga unan sa gilid

Bukod sa mga tahanan, mga gamit sa loob at labas nito, ay hindi rin nakaligtas sa pananalasa ng matinding baha ang mga sasakyan na nakaparada sa loob ng mga bahay at sa tabing kalsada ng mga lugar na binaha kamakailan.

Imahe mula Philippine Coast Guard

Ang mga sasakyan na labis na nalubog sa baha sa matagal na oras at inabot ng tubig baha ang makina at transmission nito ay maaari nang masira. Habang ang ilan naman ay maaari pa ring ipagawa subalit gagastusan nang napakalaki.

Isa ang netizen na si Romel Castro sa mga labis na nangamba para sa kanilang sasakyan na XPander dahil sa matinding pagbaha. Hindi raw nagawang i-park ni Romel ang sasakyan sa mga parking space sa malls o sa matataas na lugar sa kasagsagan ng bagyong Rolly.

Kaya naman naisipan niyang balutin na lamang ang kotse upang kahit papaano ay hindi ito mapinsala ng mataas na baha. Nagulat si Romel nang matapos ibalot sa lona ang sasakyan ay lumutang ito sa baha.

Imahe kuha mula sa video ni Romel Castro via Facebook

Bukod sa tali para maibalot ang lona na may sukat na 12 by 20 feet sa sasakyan, tinalian din ni Romel ang mismong sasakyan upang hindi ito tangayin ng baha. Nilagyan din nila ng unan ang mga gilid ng sasakyan upang hindi ito magasgasan kapag nadikit sa pader o anumang bagay.

Kuwento ni Romel, nagulat sila at labis na namangha nang lumutang ang kanilang sasakyan sa gitna ng baha. “Wala kaming ginamit na pampalutang, basta ‘yun lang lona talaga. Si misis pumunta sa likuran, may kukunin siya eh parang dikit ‘yung kotse, alangan siya. Ngayon parang napahawak siya sa kotse namin, tapos nag-move. Tiningnan namin ‘yung gulong, tiningnan namin ‘yung paa, nakaangat. Na-amazed nga rin kami,” ani Romel.

Hinala ng uploader, maaaring ang dahilan ng paglutang ng sasakyan ay ang gulong nito. Sinabi rin niya na ibabahagi niya ang video kung paano nila ibinalot ng lona ang kanilang sasakyan upang makatulong sa iba.

Panoorin dito ang paglutang ng sasakyan ni Romel:


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: