‘There’s nothing sweeter than growing your own plants’: Lalaki itinanim mismo ang mga sunflower na ibinigay sa nobya

  • Maraming netizen ang humanga sa isang estudyante mula sa Pampanga dahil sa tiyaga nitong nagtanim ng bulaklak
  • Ang mga sunflower na itinanim ng estudyante ay iniregalo niya sa kanyang nobya
  • Ani ng estudyante, hindi matutumbasan ng kahit anong pera ang klase ng pagmamahal na kanyang ipinadama sa pamamagitan ng pagtatanim at pag-aalaga sa halaman na ibinigay sa nobya

Karamihan sa mga nag-aalaga ngayon ng mga halaman na tinatawag na mga plantito at plantita ay ginagawang libangan ang pangongolekta at pag-aalaga sa iba’t ibang uri ng halaman sa loob ng kanilang bahay.

Imahe mula kay Angelo Aquino via Facebook

Subalit para sa isang estudyante mula Mexico sa Pampanga, ang kanyang inalagaang mga sunflower ay hindi lang upang magkaroon ng magandang bulaklak kundi ito mismo ang kanyang ibinigay bilang regalo sa kanyang nobya.

Sa Facebook post ni Angelo Aquino na umani na ngayon ng mahigit 92,000 reactions, 1,000 comments, at 124,000 shares, ipinakita niya ang proseso kung paano itinanim ang mga sunflower upang ibigay sa kanyang nobya.

“How I did my secret surprise for my yaba. I can proudly say that I planted these,” ang inilagay na caption ng 19-anyos na estudyante sa mga litrato at video ng sunflower at nang matanggap na ang mga ito ng kanyang nobya na si Jona Pare.

Imahe mula kay Angelo Aquino via Facebook

Kuwento ni Angelo, wala naman umanong okasyon, gusto niya lang bigyan ng bulaklak ang kanyang nobya upang pasiyahin ito. “‘Di kailangan ng okasyon to make your girl happy. There’s nothing sweeter than growing your own plants, and giving them to someone you love,” ani Angelo.

Ang mga buto ng sunflower ay kanyang itinanim sa mga paso. Pagkatapos umano ng tatlong araw ay mayroon nang tumubo na maliliit na halaman. Pagkatapos ang 16 na araw ay may dahon na ang mga itinanim na sunflower. Ani Angelo, ang sikreto umano ay ang kausapin ang mga itinanim na halaman.

“Taking care of the plants, talking to them, and watching them grow. You’ll have the pride. I hope you guys do the same. Kase hindi mabibili ng kahit anong pera ang pagmamahal,” ani Angelo.

Imahe mula kay Angelo Aquino via Facebook

Pagkatapos ng 35 na araw ay mataas na ang mga itinanim na sunflower. Pagkatapos ng 46 na araw ay saka unti-unting naglalabasan at namukadkad ang mga bulaklak. Makalipas ang 50 na araw ay tuluyan nang lumaki namukadkad ang mga sunflower.

“50 days old. Grabe ang ganda! Sooooo worth it! All for my love,” ani Angelo. Bukod sa pagtatanim ay siya rin mismo ang gumawa ng flower arrangement ng mga sunflower bago ibigay sa nobya.


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: