Sorbetes but make it creative: Netizen ibinahagi ang pagkamalikhain ng isang sorbetero

Imahe mula kay Jassy Sarthou via Facebook
  • Karaniwan nang makakita ng mga nagtitinda ng ice cream sa lansangan habang tulak-tulak nila ang kariton ng tinitindang ice cream
  • Subalit kakaiba ang nakita ng isang netizen dahil bukod sa suot na pormal na damit ng sorbetero ay kakaiba rin ang kanyang tinitindang ice cream
  • Kaya kasi ng sorbetero na gawing hugis bulaklak ang mga tinitindang ice cream na ikinamangha ng maraming netizens

Ano ang iyong paboritong flavor ng ice cream o sorbetes? Nakabili ka na ba ng tinatawag na “dirty ice cream” na itinitinda ng mga mamang dumaraan sa mga kalsada habang tulak-tulak ang kariton na may lamang iba’t ibang flavors ng ice cream?

Imahe mula Flickr

Bahagi na yata ng kulturang Pinoy ang pagbili ng ice cream na itinitinda sa lansangan. Maaaring tulak-tulak ng sorbetero o nagtitinda ng ice cream ang kariton na may mga gulong o kaya naman ay may gamit itong pedicab.

Ngayong mayroong pandemya, pinapayagan na ang pagtitinda ng sorbetes sa daan habang mahigpit na ipinapatupad ang mga healthy and safety protocols laban sa COVID-19. Mayroon mang pandemya, hindi naman nito napigilan ang isang sorbetero na magtinda sa daan at ipamalas ang kanyang pagkamalikhain.

Sa Facebook post na ibinahagi ni Jassy Sarthou na umani na ng mahigit 31,000 reactions at 19,000 shares, ikinuwento niya ang ice cream vendor na nabilhan umano niya sa kanilang lugar sa Sampaloc, Manila.

Imahe mula kay Jassy Sarthou via Facebook

“Naka-formal attire siya, as in with tie. Tinanong ko sabi ko galing ba siyang church, hindi raw as in araw-araw daw siyang nakaganyan (nakasuot ng formal attire),” ani Jassy. Kahit naman nakasuot ng puting formal attire ang sorbetero na nakilalang si Kuya June, nakasuot pa rin naman ito ng face mask.

Kuwento pa ni Jassy, tinanong niya si Kuya June kung nagseserbisyo ito sa events dahil bagay dito ang kanyang malikhaing ice cream na kaya niyang gawing hugis bulaklak.

“If interested kayo sa service niya, contact n’yo po si Kuya June 09494933778 (Sampaloc, Manila),” dagdag pa ni Jassy.

Paglilinaw ng uploader, hindi niya umano personal na kilala si Kuya June at labis lang siyang namangha sa galing at work ethics ng sorbetero.

“I think perfect siya on how he present yung sarili niya and how he makes every ice cream pleasing to the eyes,” kuwento pa ni Jassy.