Shoe shop sa Cebu na pinilahan ng maraming customer dahil sa 11.11 sale, pinasara dahil sa pagdagsa ng tao

  • Kumalat online ang tungkol sa pagkakaroon ng 11.11 sale sa iba’t ibang online shopping sites at pages
  • Hindi lamang online shops ang mayroong 11.11 sale kundi maski ang mga pisikal na negosyo tulad ng mga tindahan 
  • Isa sa mga dinagsa dahil sa 11.11 sale ay ang grand opening ng shoe shop sa Cebu at dahil sa dami ng taong nakapila ay pinahinto ang pagbubukas nito

Isa ka rin ba sa mga naghihintay ng 11.11 sale sa iba’t ibang online shopping sites? Ano-ano na ang iyong nabili? Bukod sa online shops, mayroon ka rin bang nabalitaang negosyo malapit sa inyo na nag-alok din ng 11.11 sale?

Imahe mula sa The Freeman via Facebook page

Isa sa pinakahihintay na araw ng maraming Pinoy ay ang November 11 o 11.11 dahil nangangahulugan ito ng malawakang sale sa maraming online shopping sites at pages. Nang magkaroon ng lockdown ay mas maraming Pinoy ang nawili sa pamimili online kaya naman patok na patok ang pagkakaroon ng sale tulad ng 11.11.

Subalit hindi lamang online shopping sites at pages ang nagpatupad ng 11.11 sale kundi maski ang ilang pisikal na negosyo na balik-operasyon na ngayong panahon. Isa na nga rito ang ang isang shoe shop sa Cebu na mayroon sanang grand opening ngayong 11.11.

Imahe mula sa CDN Digital via Facebook page

Bilang pagdiriwang ng kanilang grand opening ay malaking sale ang sana’y ipatutupad ng isang shoe store na matatagpuan sa Lahug, Cebu City. At dahil sa super sale na 3 for 998 na sapatos ay dinagsa at pinilahan ang labas ng shoe store ng maraming mamimili.

Sa mga naglipanang larawan sa social media, makikita ang marami at dikit-dikit na mamimili na naghihintay sa labas ng shoe store. Ani ng mga saksi, alas-syete pa lamang ay pinilahan na ang nasabing tindahan ng sapatos na alas-nuwebe pa magbubukas.

Imahe mula sa The Freeman via Facebook page

Dahil sa dami at dagsa ng mga tao ay nagbigay ng babala ang lokal na pamahalaan tungkol sa hindi na pagpapatupad ng social distancing. Hanggang sa pinahinto ang pagbubukas ng nasabing tindahan ng sapatos dahil umano sa mga paglabag nito tulad ng hindi pagkakaroon ng permit at hindi rin naipatupad ng tindahan ang physical distancing sa mga mamimili.

Pinayuhan ng mga awtoridad ang mga dumagsang mamimili sa nasabing tindahan na magsi-uwi na lamang.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: