‘Sana nagtanong muna sila’: Asawa ni Gardo Versoza, nilinaw na hindi nasira ng bagyo ang kanilang bahay

  • Nilinaw ng asawa ni Gardo Versoza na hindi kanilang bahay ang nasira sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Ulysses
  • Sa Instagram ay ibinahagi ni Gardo ang larawan ng sira-sirang bahay at nilagyan ng caption na ‘haaaaayyyyy our house’
  • Hindi naman ito umano ang kanilang bahay kundi ang kanilang ancestral house na uumpisahan na sana ang renovation subalit biglang nagkaroon ng bagyo

Madalas na nagkakaroon ng miscommunication o misinterpretation sa social media lalo na at sa lawak ng platform na ito ay limitado lamang ang maaaring maibahagi ng mga users. Dahil iba-iba rin ang interpretasyon ng mga tao, nagkakaroon minsan ng problema sa pagtukoy ng katotohanan lalo na kung ang dawit ay kilalang personalidad.

Imahe mula kay Gardo Versoza via Instagram

Kaya upang maiwasan na ang pag-aalala ng maraming tao lalo na iyong mga malalapit sa kanila, nilinaw ng asawa ng beteranong aktor na si Gardo Versoza ang tungkol sa totoong nangyari sa kanilang bahay sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Ulysses.

Bahay ni Gardo Versoza hindi rin nakaligtas kay ‘Ulysses’

Sinabi ng asawa ni Gardo na si Ivy na ang larawan ng sira-sirang bahay na ibinahagi ng aktor sa kanyang Instagram account ay kanila umanong ancestral house, at hindi mismo ang bahay kung saan sila nakatira.

“’Yung ancestral house nina Gardo, katabi lang ng bahay namin at for renovation talaga siya this December,” ani Ivy sa panayam niya sa PEP. Dagdag pa niya, walang sinabi si Gardo tungkol sa larawan kundi ang caption lang na “haaaaayyyyy our house.”

Imahe mula kay Gardo Versoza via Instagram

Pagkatapos ibahagi sa social media ay naitampok na sa iba’t  ibang news reports at online articles ang tungkol sa nangyari umanong pananalanta ng bagyo sa “bahay” nina Gardo. Nadismaya umano ang mag-asawa matapos ilabas ang ulat tungkol dito nang hindi man lang siniyasat o tinanong sa kanila.

“Noong una, ayaw na namin palakihin. Sabi ni Gardo, ‘hayaan mo na lang. Pero nagulat na lang kami dahil pati ang online news ng mga TV network at radio stations, inilabas din ang balita na walang interbyu sa amin,” kuwento pa ni Ivy. “So sana, bago nila kinuha yung IG post ni Gardo, sana nagtanong muna sila, ‘Ito ba yung bahay n’yo?” dagdag pa niya.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: