Reporter at ang kanyang crew nakatanggap ng munting regalo mula sa mga taga-Catanduanes

  • Ibinahagi ng isang reporter ang kanilang natanggap na regalo kasama ng kanyang team na pumunta sa Catanduanes upang ibalita ang nangyari doon
  • Ang regalo na natanggap ng news team ay isang handwritten letter na nagpapasalamat sa kanilang pagpunta doon
  • Ayon sa mga taga-Catanduanes, bahagi na ng kanilang kultura ang magbigay ng ipauuwi sa mga bisita

Bago pa manalasa kamakailan ang bagyong Ulysses sa bansa ay una nang nanalasa ang bagyong Rolly na labis ang iniwang pasakit sa rehiyon ng Bicol lalo na sa Albay at Catanduanes.

Imahe mula kay Jacque Manabat via Facebook

Matatandaang nag-trend pa ang hashtag na #NasaangAngCatanduanes dahil nawalan ng kahit ano mang komunikasyon doon pagkatapos salantain ng bagyong Rolly. Nawalan ng linya ng kuryente, cellphone signals, at maski linya ng tubig ang mga taga lalawigan.

Kaya naman nang makaalis ang bagyo ay agad na pumunta sa lugar ang mga TV at news crew upang magbigay ng update tungkol sa kalagayan ng mga taga-Bicol region matapos ang pananalasa ng bagyong Rolly.

Isa ang ABS-CBN News reporter na si Jacque Manabat at kanyang crew sa mga napadala sa Bato, Catanduanes kung saan labis na nanalasa ang bagyo. Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Jacque ang makabagbag damdaming kuwento nang paalis na sila sa Bato, Catanduanes matapos ang dalawang linggong pamamalagi dito at pagbibigay ng ulat.

Imahe mula kay Jacque Manabat via Facebook

Bago umano umalis ay nilapitan si Jacque ng ilang residente sa Bato. Iniabot sa kanya ang mga papel kung saan mayroong isinulat na mensahe ang mga residente. “Maraming maraming salamat po sa inyo lahat sa pagbibigay ng tulong sa Sitio Bitaogan,” ang nakalagay na mensahe na nilagdaan sa ibaba ng mga residente.

Ani ng mga nagbigay ng sulat, “Kultura namin kasi may ipapauwi sa bisita pero walang-wala kami. Thank you letter po muna. Paki-pasa rin po sa mga kasama n’yo sa ABS-CBN.” Kuwento ng reporter, sa higit dalawang linggo nilang pamamalagi sa lugar ay noon lamang umano siya umiyak matapos mabasa ang sulat.

“‘Di biro ang dinaanan nilang kalamidad. Wala silang magawa. Huwag gawing dahilan ang pagiging resilient nila. Napakabuti nila. Sana di malimutan na ‘di pa rin nakakabangon ang Catanduanes,” ani Jacque. Dagdag pa niya, napawi ang kanyang pagod sa nabasang mensahe.


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: