‘Price hike’ ipagbabawal sa mga lugar na labis na nasalanta ng bagyong Quinta at Rolly

  • Magkakaroon ng “price freeze” o hindi tataas ang presyo ng mga produkto sa mga lugar na nasalanta ng typhoon Quinta at super typhoon Rolly
  • Ang pagbabawal sa price hike ay nakasaad sa Republic Act 7581
  • Ayon sa RA 7581, lahat ng presyo ng produkto ay mananatili sa kasalukuyang presyo nito sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity

Dalawang magkasunod at malalakas na bagyo ang kamakailan ay nanalasa sa ating bansa at nagdulot ng maraming pinsala at mga kawalan ng ari-arian ng maraming Pinoy. Ang super typhoon Rolly ang pinakahuling nag-iwan ng labis na pagkasira. hindi lamang sa pamumuhay ng maraming Pinoy kundi kumitil din sa buhay ng ilang mga tao.

Imahe mula PNA

Naging labis-labis ang paghihirap ng maraming Pinoy na lubos na naapektuhan ng mga bagyo lalo na sa mga lugar kung saan ito dumaan at nag-landfall. Sa Cavite, idineklara na ang lugar bilang nasa ilalim ng state of calamity dahil na pinsalang naidulot ng bagyong Rolly.

Ayon sa Department of Trade and Industry, awtomatikong magkakaroon ng “price freeze” o hindi tataas ang mga presyo ng produkto sa mga lugar na labis na nasalanta ng mga bagyo tulad ng Cavite na nagdeklera ng state of calamity.

Sa panayam kay DTI Secretary Ramon Lopez, aniya walang price hike sa mga presyo ng basic commodities tulad ng mga de latang pagkain, instant noodles, kape, gatas, at iba pa.

Imahe mula Wikimedia Commons

“Unang-una, the Typhoon Quinta last week, so may mga state of calamity, so automatic price freeze doon sa mga calamity areas — Albay, Batangas, Oriental Mindoro, Marinduque,” ani Lopez. “Tapos nag-declare na rin ang Cavite , o price freeze na rin tayo diyan,” dagdag pa niya.

Bukod sa mga nabanggit na lugar, dagdag na rin sa mga nagdeklara ng state of calamity ang Camarines Sur kung saan lubos na nanalasa ang super typhoon.  “(We) will check if other affected provinces (and) LGUs (local government units) will declare state of calamity and we shall implement price freeze too,” ayon pa kay Lopez.

Sa ilalim ng Republic Act 7581, “a price freeze can only take effect as soon as a State of Calamity is enforced, or if an area is declared under an emergency. A price freeze, or automatic price control, ensures that the prices of basic necessities will be frozen at their prevailing prices.”


Loading...
Source :

Philstar, MSN

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: