Prenup photoshoot na may temang ‘Money Heist,’ pinusuan ng netizens

  • Bilang bahagi ng new normal, naisipan ng magkasintahan mula Cebu na magsuot ng PPE sa kanilang prenuptial photoshoot
  • Ang kanilang tema ay ibinatay nila sa sikat na programang “Money Heist” kung saan may nakasuot ng overall jumpsuit at maskara
  • Ayon sa magkasintahan, naisip nila ang tema upang patunayan na sa kahit anong pasubok ay “partners in crime” sila

Tuloy-tuloy pa rin ang pagva-viral ng mga kakaiba, nakaaaliw, at nakabibilib na mga prenuptial pictorial ng mga magkasintahan na malapit nang ikasal. Karamihan sa mga prenup photoshoot ay nakabatay sa tema na alam o kilala ng lahat o napapanahon.

Imahe mula sa PIDOGRAPHY- Hafid Caballes Facebook page

Kamakailan, muling pinusuan ng maraming netizens ang prenup pictorial ng isang magkasintahan mula Cebu City dahil ang kanilang tema ay nakabatay sa kilalang programa na napapanood sa Netflix.

Ang “La Casa de Papel” o mas kilala rin sa title nitong “Money Heist” ang naisip ng magkasintahang sina Inez Quial at Niño Roilo upang maging tema ng kanilang prenup shoot. Ayon sa dalawa, dahil sa new normal ay naisipan nilang magsuot ng personal protective equipment o PPE bilang overall upang makamit ang tema ng programang “Money Heist.”

Kuwento pa nina Inez at Niño, pareho nilang paborito ang programa kaya naisip din nila ang ideyang gawin ito sa kanilang prenup shoot bilang simbolo o pagpapakita na kahit sa panahon ng pagsubok, silang dalawa ay “partners in crime.”

Imahe mula sa PIDOGRAPHY- Hafid Caballes Facebook page

“I want us to portray na even in perilous time, we got each other’s back and we will always protect each other. We are partners in crime,” ani ng groom to be.

Tulad ng mga bida sa Netflix crime series ay kulay pula ang PPE o overall jumpsuit ng magkasintahan at nakasuot din sila ng iconic na Salvador Dali masks na naging tanyag dahil sa programa.

At upang maisakatuparan ang tila pinasok na bangko ng dalawa ay ginanap sa Temple of Leah sa Cebu ang prenup shoot habang ang magkasintahan ay gumamit din ng mga paper money.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: