Payo ni Doc Willie Ong para sa mga nais magpaliit ng bilbil: Magkaroon ng tamang tindig

  • Maraming Pinoy ang nagtitiwala sa mga payo ni Doc Willie Ong dahil napatunayang mabisa ang mga ito kumpara sa ibang napapanood o nababasa online
  • Sa kanyang Facebook page na may mahigit 14 million likes at followers ay nagbibigay si Doc Willie ng mga payo at impormasyon na malaking tulong pangmedical
  • Kamakailan ay ibinahagi ni Doc Willie ang ilang paraan upang lumiit ang bilbil ng isang tao

Subok at napatunayan na ang galing ng medical expert na si Doc Willie Ong pagdating sa pagbibigay ng medical at health advice sa maraming Pinoy na naka-like at follow sa kanyang Facebook page. Sa ngayon, nasa mahigit 14 million likes at followers na ang page ni Doc Willie Ong, isang Internist at Cardiologist na nagbibigay ng libreng health tips at medical mission.

Imahe mula Freepik

Sa kanyang FB page ay nagpo-post si Doc Willie ng mga kaalaman pangmedical, payo, at impormasyon na malaking tulong para sa mga Pinoy. Kamakailan ay ibinahagi niya ang ilang tips upang mabawasan ang bibil sa katawan ng isang tao.

Ayon kay Doc Willie, ang mga taong may malalaking tyan o bilbil ay dahil overweight o maaaring kulang sa ehersisyo. Kaya naman karamihan sa kanyang mga inilistang tips para lumiit ang bilbil ay may kinalaman sa pag-ehersisyo at paggalaw ng katawan.

Upang lumiit ang bilbil, mainam na mag-ehersisyo ng 3 hanggang 4 beses kada linggo. Maaari ding subukan ang aerobic exercise ng 30 minutos hanggang isang oras. Magandang mapalakas ang masel sa katawan sa pamamagitan ng stomach crunches.

Imahe mula Freepik

Mahalaga din na magkaroon ng tamang tindig o postura. Iwasan ang maging kuba kapag nakatayo o nakaupo. Mainam din kung makakalakad nang madalas at umakyat ng 1 o 2 palapag ng hagdanan.

Mahalaga din na kontrolin ang mga kinakain at iniinom. Ayon kay Doc Willie, ang pag-inom ng isang basong tubig bago kumain ay nakabubusog kaya konti lamang ang makakain. Bawasan din ang pagkain ng kanin at kung maaari ay kumain nang mas mabagal. Bakit?  “Mas mararamdaman mo ang pagkabusog at mababawasan ang iyong makakain,” ani Doc Willie.

Huwag ding kalimutang kumain ng almusal araw-araw upang hindi magutom at hindi marami ang makain pagdating ng tanghalian. “Maging masipag. Ituloy lang ang mabuting pamumuhay at regular na ehersisyo para hindi lumaki ang bilbil. Good luck po.”


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: