Paolo Ballesteros, dinisenyo ang national costume ng isang Binibining Pilipinas candidate

  • Ang host na si Paolo Ballesteros ang nagdisenyo ng national costume ng isang kandidata sa Binibining Pilipinas 2020 pageant
  • Si Paolo rin ang nagsanay sa nasabing kandidata upang maging isang beauty queen
  • Ayon kay Paolo, ang disenyo at inspirasyon ng national costume ay kinuha niya mula sa Higantes Festival ng Angono, Rizal

Matapos mag-viral ang kanyang mga makeup transformations at ang matapang niyang pagganap bilang isang beki sa mga pelikula, hindi na natatakot ang Kapuso actor at host na si Paolo Ballesteros na ipakita ang kanyang totoong seksualidad.

Imahe mula kay Paolo Ballesteros via Instagram

Bukod sa pagiging aktor, comedian, host, at makeup artist, maaari na ring maging fashion designer ang 37-anyos na mula sa angkan ng National Artist na si Fernando Amorsolo. Kamakailan ay napabalitang pumasok na rin sa industriya ng pageant competitions si Paolo.

Napabalitang si Paolo ang nagdisenyo ng national costume ng isa sa mga kandidata ng Binibining Pilipinas 2020 na si Honey Grace Cartasano, ang pambato ng Rizal province. Si Paolo din umano ang nagsasanay kay Honey Grace upang maging isang beauty queen.

Imahe mula Instagram

Sa Facebook page ng Binibining Pilipinas 2020, isa sa mga naitampok na litrato ay ang national costume na suot ni Honey Grace at dinisenyo ni Paolo. Sa ngayon ay nagkaroon na ng 11,000 reactions ang litrato ng national costume ng kandidata.

Ayon naman sa inilagay na notes ni Paolo tungkol sa disenyo ng national costume, kumuha umano siya ng inspirasyon mula sa Higantes Festival ng Angono, Rizal. “An interpretation of the traditional Maria Clara costume inspired by the giants of Angono’s Higantes festival,” ayon sa pagpapaliwanag ni Paolo.

Imahe mula sa Bb. Pilipinas Facebook page

Ang costume ay gawa sa tradisyonal na materyales na piña, “highlighting its remarkable characteristic, the fibrosity.” Tinawag din ni Paolo si Honey Grace bilang isang “Maria Clara” habang suot ang national costume, “As she turns around, Maria Clara is transformed into a bright, colorful and towering Higantes we see during the annual parade. A unique piece, emblematic of Rizal’s rich culture.”

Sa ngayon ay naghahanda na ang mga kandidata ng 57th Binibining Pilipinas pageant na unang na-postpone noong nakaraang Mayo dahil sa pandemya. Hindi pa inaanunsyo ng pageant organizers kung kailan magaganap ang Binibining Pilipinas 2020 coronation night.


Loading...
Source :

Facebook, PEP

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: