Pampainit sa nangangalam na tiyan: Restaurant owner, nagluto para sa mga taga-Cagayan

  • Nag-abot ng tulong ang isang restaurant owner sa mga biktima ng baha sa Cagayan 
  • Nagluto at nagdala ng mainit na pagkain sa mga kababayan ang may-ari ng Norte Resto Bar & Grill na si Joel Rebueno
  • Aniya, walang kaso ang paglusong sa baha maipamahagi lang ang mga dala nilang pampainit para sa nangangalam na tiyan

Hindi alintana ang bahang dala ng Bagyong Ulysses, nag-abot ng tulong ang isang restaurant owner sa kanyang mga kababayan sa Tuguegarao City, Cagayan.

Image captured from Facebook

Sa Facebook, ibinahagi sa page ng Norte Resto Bar & Grill ang ilang larawan na kuha sa feeding program na isinagawa ng mga bumubuo sa restawran sa pamumuno ng may-ari nitong si Joel Rebueno. Sa caption ng mga litrato, sinabi ng pamunuan ng food business establishment na walang kaso ang paglusong sa baha maipamahagi lang ang mga dala nilang pampainit para sa nangangalam na tiyan.

“We help because we care. Kahit baha ay lulusungin maipaabot lang ang konting pampainit sa mga nangangalam na tiyan,” saad sa post na umantig sa puso ng mga may mabubuting loob na agad din nagbigay ng donasyon para mas marami pa ang matulungan ng may-ari ng nasabing kainan.

Ani Joel sa isang Facebook status, “I am overwhelmed with the outpouring of love. I cannot express in words the kindness and generosity of people trying to help people they do not even know. God bless you all and keep safe!
We are currently buying goods for packing and distribution.”

Ayon sa kapatid ni Joel na si Marvi Rebueno Trudeau, noon pa man ay gawain na ng restaurant owner na tumulong sa kanilang mga kababayan sa panahon ng pangangailangan.

“Joel has helped in many calamities in Tuguegarao! I am a very proud sister! Mom, Dad, Jerome, and Patrick are smiling in heaven. Thank you, Joel, for your generosity! Our cherub Baby Jabes is your guardian angel,” wika niya.

Sa mga nais magpaabot ng tulong, maaaring pumunta sa Norte Resto Bar & Grill o magpadala ng cash donation sa mga account na ibinigay ng anak ni Joel na si Lord Rebueno sa pamamagitan ng isang Facebook post:

Image captured from Facebook

Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: