Pampa-GV: Tatay tinuruan ang anak paano magpaligo ng sanggol gamit ang pusa bilang demo

  • Sa isang viral video sa Facebook, ipinakita ng ama sa anak kung paano magpaligo ng sanggol
  • Ang ginamit ng ama na props sa kanyang demo ay ang cute nilang alagang pusa na tila gustong-gusto ang kunwaring pagpapaligo sa kanya
  • Maingat at mahusay na hinawakan ng ama ang pusa at saka itinuro sa anak ang tamang pagpapaligo sa sanggol gamit ang maliit na palanggana

Nakakatakot ang magkaroon ng sanggol sa bahay lalo na kung unang beses ng mga magulang ang magkaroon ng anak. Bukod kasi sa malambot pa ang mga buto ng sanggol, dapat ay tama rin ang pagkakahawak sa kanila upang matiyak na hindi masaktan ang anumang parte ng katawan.

Imahe mula Freepik

Isa sa mga maituturing na pagsubok para sa mga first -time parents ay ang pagpapaligo sa sanggol nilang mga anak. Ayon sa mga eksperto, maaari nang bigyan ng sponge bath ang mga 1-month old na sanggol.

Sa isang viral video ngayon sa Facebook na mayroon nang mahigit 1 million views, 28,000 reactions at 27,000 shares, makikita ang isang ama habang itinuturo niya sa anak ang tamang pagpapaligo ng sanggol.

Ang video ay in-upload ni Leira Irinee Rose Magtibay-Valones at nilagyan ng caption na: “Dad shows his son how to bathe a baby using a cat as demo.”

Sa video ay makikita ang cute na cute na alagang pusa habang ito ang ginamit bilang “props” sa pag-demo ng tatay kung paano ang tamang pagpapaligo sa sanggol.

I-CLICK ang imahe para sa video via Facebook

Maingat, dahan-dahan, at mahusay ang pagkakahawak ng tatay sa alagang pusa na nagmistulang sanggol at hindi naman ito naging malikot sa mahigit dalawang minuto na pag-demo. Tila gustong-gusto pa nga ng pusa na kunwaring pinapaliguan sa isang maliit na palanggana.

Marami namang netizens ang namangha sa pagiging kalmado ng pusa habang itinuturo ng ama ang tamang pagpapaligo. “So cute OMG , the kitty is so chill too,” ani ng isang netizen.

Ayon sa mga eksperto, bagama’t maaari nang paliguan ang mga sanggol, hindi naman ibig sabihin nito na maliligo na sila araw-araw. Dalawa o tatlong beses sa isang linggo maaaring paliguan o bigyan ng sponge bath ang mga sanggol. Subalit tandaan din na nakapagbibigay ng dry skin ang pagpapaligo sa sanggol kaya kung maaari ay pahiran sila ng mga naaayon na bath soap at lotion.


Loading...
Source :

Facebook, YouTube

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: