Pagkakaibigan, pinakamatibay na pundasyon ng kalahating dekadang pagsasama nina Chynna at Kean

  • Pagkakaibigan ang itinuturing na pinakamatibay na pundasyon ng pagmamahalan nina Kean Cipriano at Chynna Ortaleza
  • Sa kanilang magkahiwalay na anniversary posts, pinasalamatan nila ang isa’t isa para sa relasyon na mayroon sila
  • Sa isang naunang panayam, ibinahagi ni Chynna kung gaano siya kakampante sa kanilang pagsasama

Higit sa ano pa man, pagkakaibigan daw ang itinuturing na pinakamatibay na pundasyon ng kalahating dekada ng pagmamahalan ng celebrity couple na sina Kean Cipriano at Chynna Ortaleza.

Image captured from Instagram

Sa kanilang magkahiwalay na anniversary posts sa photo sharing app na Instagram, pinasalamatan nila isa’t isa para sa klase ng relasyon na mayroon sila; isang samahang nakasentro sa tunay na pagkakaibigan mayroon na sila sa simula pa lamang.

“Four months kitang naging girlfriend, one month naging fiancee, tapos kinasal after six months simula noong naging tayo. Ngayon, limang taon na kitang asawa–pero sa dami at tindi ng pinagsamahan natin, feeling ko 20 years na! Ang galing! Ang sarap sa pakiramdam. Never pa kasi akong naka-experience ng ganitong kahabang relasyon sa buong buhay ko. Hahaha! Alam ko na kung bakit, kasi more than anything, kaibigan kita. At iyon ang legit na pang matagalan,” wika ni Kean sa caption ng ilang larawan nila ng kanyang asawa.

Saad naman ni Chynna sa kanyang post, “Huwag mag-alala, ako ay nandito na. Five years of love. I told you in the kitchen today that by far, these have been the most eventful years of my life. No matter how difficult the jump, thank you for pushing me off the cliff. You always find a way to hold my hand through it anyway.”

“And even if you forget to hang your towels and tie up the plastic of our sliced bread, know that I am committed to keep on reminding you to do so!” pagpapatuloy ng aktres. Thank you for shattering all traditional gender roles in our marriage. I honor you fully in all aspects. You are a great mom/dad, best friend, critic, co-executive, partner, and lover.”

Image captured from Instagram

Chynna, kampante sa pagmamahalan nila ni Kean

Sa isang naunang panayam, ibinahagi ni Chynna kung gaano siya kakampante sa kanilang pagsasama. Aniya, hindi raw siya nagseselos kapag may nagkakagusto kay Kean at sa katunayan ay natatawa pa kapag may mga babae na kinikilig sa kanyang asawa.

“Tawang-tawa talaga ako, feeling ko boy band ‘yung asawa ko,” wika ng aktres. “Maybe because of ano na rin, the time that we met each other kasi I think tapos na kami doon sa pagiging teenager so parang for me, I was pretty secured.”

“Kean and I more than anything we’re not like just romantically involved. It wasn’t that, that brought us together. We were friends more than anything. And we’re able to share our art together so I’m pretty secure in the fact that we have that solid thing to fall back on more than just the romance and the love. I married my best friend,” sabi pa ni Chynna.


Loading...
Source :

Instagram, IG, DF Buzz

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: