Online seller may mahalagang tips paano makahingi ng refund sa mga orders na napapalitan ng ibang laman

  • Ang mga cellphones na pina-return to sender sa isang online seller ay naging de lata na at paminta pagkabigay ng rider
  • Kaya nagbigay siya ng tips paano maprotektahan ang order upang makahingi ng refund mula sa courier
  • Nanawagan na rin siya sa kompanya ng courier service na oras na upang suriin ang kanilang mga tauhan

Hindi na bago ang mga cellphones na napapalitan ng ibang items pagdating sa mga umoorder. Kadalasan din, mas nangyayari ang ganitong modus sa mga RTS o ibinabalik sa seller.

Imahe via Janice Sy | Facebook

Sino ba naman ang hindi iinit ang ulo na ang inaasahan mong mamahaling cellphone na pina-return to sender ay isa ng de lata at paminta. Dahil dito, naglabas ng sama ng loob sa social media si Janice Sy, isang online seller, para magbigay kaalaman sa iba at maipaabot na rin sa courier na Ninja Van ang hindi naging magandang serbisyo nito.

Nobyembre 15, una niyang natanggap ang pina-RTS na cellphone at imbes na Real Me C15 na nagkakahalaga ng mahigit P7,000 ay isang bote ng paminta ang laman ng karton nito. Nobyembre 16, sa ikalawang RTS, dalawang de lata ng San Marino corned tuna naman ang naging kapalit ng kanyang P25,000 na halaga ng iPhone.

Bukod sa pagbabahagi ng kanyang istorya, nagbigay na rin ng tips si Janice kung paano maprotektahan ang iyong sarili sa ganitong mga modus at makahihingi ka ng refund mula sa couriers.

Imahe via Janice Sy | Facebook

Narito ang kanyang pahayag.

“Make sure guys na napipicturan n’yo items bago n’yo ipa-ship or else baka wala kayo makuhang refund. Second, pag RTS (return to sender) like sa nangyari sa’kin, nag-RTS make sure i-open n’yo sa harap ng rider at videohan or picture para may evidence na switch items ang nangyari.”

Nanawagan na rin siya sa namamahala ng Ninja Van, “To Ninja Van management, mukhang it’s time to check sa mga tao n’yo sa warehouse or possible rider may kasabwat.”

Malaki ang papel ng mga couriers sa pagpapadala ng mga online orders lalo na ngayong may pandemya na mas pinapaburan ang pamimili online. Ngunit bukod sa nalulugi ang mga nagbebenta dahil sa ganitong gawain, nawawalan din sila ng tiwala sa mga couriers.

Kaya mahalagang sundin ang mga tips para makasisigurong maprotektahan ang iyong mga pinapadala at matigil na ang pagswawap ng laman ng parcels.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: