Netizen nanawagan para matulungan ang pamilyang nakatira sa barung-barong at halos wala nang makain

  • Naawa ang isang netizen sa kalagayan ng pamilyang halos hindi makakain at nakatira sa barung-barong lalo na’t may maliliit pa itong mga anak
  • Nag-abot siya ng tulong at nanawagan sa social media para makarating ito sa mga may ginintuang puso
  • Nagsimulang dumagsa ang tulong at dinala ang pamilya sa ibang lugar para doon tumira pansamantala

Ang hindi makakain ang mga anak at tumutulong bubungan kapag umuulan—iilan yata ito sa pinakaayaw mong maranasan ng iyong pamilya. Subalit may mga tao na sadyang tila naging mailap ang suwerte sa kanila.

Imahe via Nhe Phe Jhoy | Facebook

Isa na rito ang pamilya mula sa Purok 4, Datagan Guipos, Zamboanga del Sur. Mabuti na lang at may isang netizen ang nahabag sa kanilang kalagayan at gumawa ito ng paraan upang makakuha ng atensyon sa social media.

Ipinost ni Nhe Phe Jhoy sa Facebook noong Oktubre 29 ang nakaaawang sitwasyon ng isang pamilyang nais niya sanang matulungan ng mga may mabubuting-loob.

Ang mag-asawa ay nagngangalang Vicente Bebuso at Maarina Pesay. Sila ay may tatlong maliliit pa na anak na lalaki. Wala na raw silang malulutong bigas at kumakain na lamang ng saging “bunsalo” para kahit papaano ay magkalaman ang tiyan.

Kapag gutom na gutom na sila at umiiyak na ang mga anak dahil dito, lumalapit daw sila sa kapitbahay para magkaroon ng bigas; kapalit marahil ng saging o serbisyo. Bukod sa pagkain, wala silang pambili kahit na sabon kaya naglalaba raw sila nang hindi sinasabunan ang mga damit.

Sa mga larawang ibinahagi ni Nhe Phe Jhoy, makikitang isang maiit na barung-barong ang tinitirhan ng pamilya kung saan ang dingding at sahig ay gawa sa kawayan. At dahil hindi pantay ang sukat ng mga kahoy, madali itong pasukin ng lamig at tubig. Kaya sa tuwing umuulan, nagkukumpol na lang daw sila sa gitna.

Imahe via Nhe Phe Jhoy | Facebook

Ang ama ay walang permanenteng trabaho. Kumikita lang ito kapag may ipagagawa sa kanya.

Nag-abot ng tulong si Nhe Phe Jhoy para may makakain sila. Nagdala siya ng bigas at noodles. Ngunit alam niyang kulang pa ‘yon sa kanila kaya nananawagan siya sa mga gustong tumulong na makipag-ugnayan sa kanya sa numerong 09381708835. Diyos na raw ang bahalang bumawi sa mga may ginintuang puso.

Samantala, Oktubre 31, may magandang balitang ibinahagi sa comment section ng post ni Nhe Phe Jhoy. Sabi ni Mercy Zita, kinuha na raw ang pamilya ng kapatid  na babae at dinala sa Pagadian Coty. Pansamantalang doon muna sila mamamalagi hanggang sa makaipon ng pondo mula sa mga tulong at magtatayo sila ng mas komportableng bahay.

Imahe via Mercy Zita | Facebook

Hati naman ang reaksyon ng mga netizens. Marami ang nag-share para makapagbigay alam sa iba at ngunit para sa ilan ay kulang sa paghahanap ng paraan at kasipagan ang mag-asawa.

Mahirap humusga dahil wala tayo sa kanilang sitwasyon. Bagkus, magpasalamat tayo kung ano ang mayroon ngayon at kapag maaari ay mag-abot tayo ng tulong sa mga nangangailangan. Sabi nga, mas nanaisin natin na tayo ang nasa sitwasyong nakatutulong kaysa tayo ang nangangailangan ng habag. Love one another.


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: