Netizen ibinahagi ang litrato ng kalagayan ng mga kamag-anak noong nananalasa ang bagyong Rolly sa Catanduanes

  • Matapos manalasa ng super typhoon Rolly sa Pilipinas ay unti-unti nang nakikita ang lawak ng iniwan nitong pinsala lalo na sa lugar ng Catanduanes kung saan ito unang  nag-landfall
  • Itinaas ang signal number 5 sa Catanduanes
  • Ibinahagi ng isang netizen ang litrato ng kanyang mga kamag-anak sa Catanduanes na banig at kumot na lang ang kanilang ginamit na pananggalang nang manalasa ang bagyo

Ilang araw matapos manalasa ng super typhoon Rolly, ang tinaguriang pinakamalakas na bagyo na tumama ngayong taon sa Pilipinas, lubos na sinalanta nito ang malaking bahagi ng Bicol region.

Imahe mula kay Jacky Tatel via Facebook

Ang probinsya ng Catanduanes ang lugar kung saan unang nag-landfall ang bagyong Rolly, na sa lakas ng hatid nitong hangin at ulan ay halos 65% ng mga bahay dito ay nasalanta at nasira din ang nasa 70% ng mga kable ng kuryente.

Sa pagdaan ng bagyong Rolly sa Catanduanes ay nawalan ng kuryente, suplay ng tubig, at cellphone signals sa probinsya. Sa Twitter ay nag-trend ang hashtag “Nasaan ang Catanduanes” dahil walang anumang makuhang balita tungkol sa lugar dahil sa kawalan ng komunikasyon dito.

Isinailalim na sa state of calamity ang Catanduanes, ayon na rin sa naging pagsusuri ng Catanduanes Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC).

Imahe mula kay Jacky Tatel via Facebook

“PDRRMC reported that ‘more than 65 percent of the houses was destroyed, 70 percent of the electrical posts was destroyed, an estimated amount of PHP400-million damage to abaca industry, PHP150-million damage to agriculture’ and that all communications (facilities) are down as per a partial report,” ayon sa resolusyong inilabas.

Marami namang litrato ang lumabas sa social media na ipinapakita ang naging pananalasa ng bagyo sa Catanduanes. Isa sa mga labis na umantig sa netizens ay ang litrato na ibinahagi ni Jacky Tatel sa Facebook.

Imahe mula kay Jacky Tatel via Facebook

Sa mga litrato na ibinahagi ni Jacky ay makikita ang mga tao na nagsisiksikan at nagkukumpulan habang basang-basa at may nakatakip sa kanilang banig at kumot. Kuwento ni Jacky, ang nasa litrato ay kanyang mga kamag-anak na kinuhanan habang rumaragasa ang bagyo.

“Banig at kumot lang ang ginawa nilang pananggalang. It really breaks my heart,” ang inilagay na caption ni Jacky. Nagpasalamat din siya at nagkaroon din agad ng aksyon ang mga telecommunication sites at nagka-signal na sa Catanduanes.

Libo-libong netizens ang nag-react sa post na ito ni Jacky. Nanawagan naman ang ilang mga grupo at indibidwal ng tulong o donasyon upang maihatid sa mga nasalanta ng bagyo sa Catanduanes at iba pang lugar sa Bicol.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: