Mga nasalanta ng baha sa Isabela, nagparating ng mensahe para sa kanilang mga kaanak sa pamamagitan ng news team

  • Kabilang ang probinsya ng Isabela sa mga lumubog sa baha pagkatapos manalasa ng bagyong Ulysses
  • Nahirapan ang mga awtoridad at news team na makapasok sa ilang lugar sa Isabela dahil sa matinding pagbaha
  • Kaya nang may makarating ditong news team ay sinamantala ito ng mga residente upang magbigay ng mensahe sa mga nag-aalalang kamag-anak

Umaapela na ang ilang residente sa probinsya ng Cagayan at Isabela dahil sa matinding pagbaha sa ilang lugar. Hiniling na nila sa lokal na pamahalaan na gumamit ng suck machine upang matanggal na ang taas ng baha at maayos na nila ang mga nasalantang gamit sa bahay.

Imahe mula AFP

Walang drainage o kanal sa ilang lugar sa Cagayan at Isabela kaya naman nagtagal ang baha kahit ilang araw nang nakaalis sa bansa ang bagyong Ulysses. Isinailalim na sa state of calamity ang probinsya ng Isabela matapos malubog sa baha ang ilang barangay dito.

Dahil dito ay hindi agad nakapasok ang mga awtoridad at news team sa Isabela, kabilang na ang bayan ng Sto. Tomas. Kaya naman nang makarating na dito ang ilang news team ay sinamantala ito ng mga residente upang mag-abot ng mensahe sa mga nag-aalalang kamag-anak.

Nang manalasa ang bagyong Ulysses ay nawalan ng linya ng kuryente at tubig sa Sto. Tomas, at dahil walang kuryente ay hindi na-charge ang cellphone ng mga residente. “Mga anak ko, huwag kayo magalala sa akin, kasi lowbat ang cellphone ko at wala akong pang load. Sana sila na lang ang tatawag sa akin,” ani ng isang residente nang humarap sa camera.

Imahe mula kay Jonathan Andal via Twitter

Nakarating na rin sa lugar ang ilang disaster response workers upang mamahagi ng relief goods. Bagama’t masaya ang mga residente na may natanggap na relief goods, ayon sa kanila, sapat lamang iyon upang may makain sila sa isang buong araw.

May ilang lugar na sa Cagayan ang humuhupa ang baha, samantalang sa mabababang lugar naman sa Isabela, maaari umanong magtagal ang baha ng hanggang isang buwan.  Ayon kay Isabela Governor Rodolfo “Rodito” Albano III, ang pinsalang natamo ng Isabela ay mas matindi pa sa natamo ng Metro Manila.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: