Mga nasalanta ng bagyo sa Catanduanes, nakatanggap ng inaamag na bigas

  • Isa sa mga labis na naapektuhan ng mga bagyo ay ang lalawigan ng Catanduanes kaya naman isa rin ito sa mga dinagsa ng tulong at donasyon
  • Subalit nagreklamo ang ilang residente ng bayan ng Virac, Catanduanes matapos makatanggap ng bulok at inaamag na mga bigas bilang relief goods
  • Ayon sa lokal na pamahalaan ng Virac, hindi sa kanila galing ang mga bigas at kasalukuyan na nila itong iniimbestigahan

Isa ang lalawigan ng Virac, Catanduanes matapos manalasa roon ang sunod-sunod na bagyo na tumama sa bansa. Bukod sa marami sa kanilang mga evacuees ang nangailangan ng damit at pagkain, isa rin sa mga pangunahing ipinapamahagi sa kanila ay mga bigas na lulutuin.

Imahe kuha mula sa video ng Stand For Truth via Facebook

Subalit ilang residente sa Virac, Catanduanes ang nakatanggap umano ng mga bulok at inaamag na bigas na ibinigay sa kanila bilang relief goods. Ang ulat na ito ay itinampok ng programang Stand for Truth ng GMA News.

Sa Barangay Igang, Virac, nakatanggap ang mga residente ng bigas bilang ayuda. Subalit nang kanila itong tignan ay tumambad sa kanila ang inaamag at may amoy nang bigas, dahil dito, hindi ito makakain ng mga residente.

“Noong i-distribute namin na sako sako, may bumalik na ka-barangay ko, nagrereklamo na bulok daw ‘yung mga bigas nila. Mabaho at hindi na puwedeng kainin daw. Ang ginawa ko, pinag-ipon ipon ko ‘yung mga bigas, naka-40 plastic ako,” ani Barangay Igang chairman Ronnie Clemente.

Imahe kuha mula sa video ng Stand For Truth via Facebook

“Ang ginawa ko noong pangalawang araw, bumalik po ang kapitolyo. May dalawang sako na naka-repack na rin kapalit daw nung sa nabulok na bigas,” dagdag pa ng barangay chairman. Bukod sa Barangay Igang, parehong reklamo rin ang idinulog ng mga residente sa Barangay Simamla— kulay lupa at inaamag na mga bigas.

Ayon naman kay Virac Mayor Sinforoso Sarmiento, hindi sa kanila galing ang mga bulok na bigas. “Hindi po galing sa amin iyon kasi ang ipinamimigay namin ay puti ang balot hindi yellow. Tapos wala po kaming old stock, nawawalan nga kami ng stock eh… Sa amin po yung mga nagpa-pack, inaano namin na mag-check ng quality,” ani Mayor Sarmiento.

Nagpaalala naman ang Provincial Social Welfare Development Office na kapag ang bigas ay nabasa ng ulan ay hindi na ito maaaring makain at kinakailangan nang itapon. Sinabi naman ng National Food Authority sa Catanduanes na sako-sakong mga bigas na ipamimigay sana sa mga nasalanta ng bagyo sa lugar ang nabasa ng ulan.

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang nangyaring pamimigay ng inaamag na bigas at kung bakit nakalusot ito sa ahensya ng gobyerno na namahagi ng ayuda.

Ibinahagi ng Stand for Truth ang buong kuwento:


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: