Libro ni Jake Zyrus na ‘I Am Jake,’ nagkaroon din ng Japanese edition

  • Itinampok ng programang Tunay na Buhay ang tungkol sa inilimbag na libro ni Jake Zyrus o kilala noon bilang si Charice Pempengco
  • Bukod sa naging best-selling ang kanyang librong “I Am Jake”, nagkaroon din ito ng Japanese version at tinangkilik sa Japan dahil na rin sa ginawa niyang documentary tungkol sa kanyang buhay
  • Ngayon ay isa nang jazz singer si Jake na ibinahagi ang mga naging karanasan

Bilang isang international artist na hindi lang napabilib ang mga Pinoy kundi maski ang mga taga-ibang bansa, marami din ang napataas ang kilay matapos umamin ang dating kilalang singer na si Charice Pempengco na isa siyang transgender.

Imahe mula sa GMA Public Affairs via YouTube channel

Sa kanyang pag-come out o pag-amin sa tunay na seksualidad ay nabalutan ng isyu si Charice na nakilala na bilang si Jake Zyrus. Marami ang kumutya at sinabing magbabago ang tingin sa kanya ng maraming tao dahil sa ginawa niyang pag-amin.

Sa gitna ng mga isyu at pangungutya, hindi naman nadaig si Jake at nagpatuloy pa rin siya sa paghahasa sa talento at pagbabahagi ng mga magagandang kanta kasabay ng kanyang transition bilang isang babae patungo sa pagiging transman.

Sa dami ng pinagdaanan ni Jake hindi lamang sa pagiging kilalang singer kundi pati na rin sa kanyang pag-aamin sa tunay na seksualidad ay nakagawa siya ng libro na base mismo sa kanyang buhay. Ang libro na ito ay tinawag niyang “I Am Jake.”

Imahe mula sa GMA Public Affairs via YouTube channel

Taong 2018 nang maimprinta ang kanyang libro na “I Am Jake” na napasama sa top 10 best-selling dito sa Pilipinas at nakilala rin sa ibang bansa. Bukod sa libro ay nagkaroon din si Jake ng documentary tungkol sa kanyang buhay na pinalabas sa Japan na produced by NHK.

“Yung ginawa yung documentary, I didn’t expect na mare-recognize din siya sa iba’t ibang countries. The first award na nakuha namin [para sa documentary] was from an international film and video awards,” pagsasalaysay ni Jake.

Imahe mula sa GMA Public Affairs via YouTube channel

Ngayon ay ibang genre naman ang kinakanta ni Jake dahil na rin sa mababa niyang boses. Nitong nakaraang Hulyo ay inilabas ni Jake ang kanyang bagong single na “Miss You in the Moonlight,” isang jazz-pop song.

“Ang true happiness and power mararamdaman lang the moment you embrace who you are, the moment you accept yourself. That is the best feeling, the greatest power a person could have. You are how you are, you know what you’re capable of and love yourself,” ang ibinahagi na mensahe ni Jake.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: