Kuya Wil nangakong patuloy na tutulong: ‘Hindi ako nagmamagaling, ‘di ako nagyayabang’

  • Nangako ang host na si Willie Revillame na patuloy siyang magbibigay ng tulong sa mga Pinoy na lubos na naghihirap dahil sa pandemya at nagdaang mga bagyo
  • Nilinaw ni Kuya Wil na wala siyang balak magkaroon ng posisyon sa gobyerno kaya siya tumutulong sa nakararami
  • Matatandaang ibinenta ni Kuya Wil ang kanyang sasakyan upang ibigay sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses

Maraming Pilipino, lalo na ang mga nasa laylayan, ang labis na natutulungan ng programang Wowowin Tutok to Win ng GMA Network. Bukod sa mga papremyong ibinibigay ng programa at kanilang mga sponsors, nagbibigay din ang host nito na si Willie Revillame o mas kilala sa tawag na “Kuya Wil” ng pera mula sa kanyang sariling bulsa.

Imahe mula sa video ng Wowowin via YouTube channel

Hangga’t may naghihirap ay walang sawang tumutulong si Kuya Wil, lalo na sa panahon ngayon na bukod sa nararanasang pandemya ay nasalanta rin ng magkakasunod na bagyo ang maraming bahagi ng bansa.

Sa isang episode ng Wowowin kamakailan, nangako si Kuya Wil sa telebisyon at sa harap ng maraming taga subaybay ng programa na patuloy ang kanyang gagawing pagtulong sa mga Pinoy na lubos na naapektuhan ng mga kalamidad at ng kasalukuyang pandemya.

Sinabi rin ni Kuya Wil na bibisitahin din niya ang probinsya ng Cagayan na isa rin sa mga lubos na sinalanta ng nagdaang bagyong Ulysses. “Kapag may pagkakataon na makapunta ako diyan, tutal puwede naman akong lumipad diyan,” ani Kuya Wil na ang tinutukoy ay ang kanyang private plane.

Imahe mula DF Balita

Nagbigay ng mensahe si Kuya Wil para sa mga Pinoy na tulad niyang nakaaangat din sa buhay.

“Ito ang panahon na tulungan natin ang gobyerno, dahil ang gobyerno ay tayong lahat, ang mga tao ang gobyerno. Sama-sama tayo,” saad ng Wowowin host.

Nilinaw din niya na ang kanyang pagbibigay ng tulong ay walang ibang motibo. “Sa totoo lang hindi ako nagmamagaling, wala akong balak na anumang posisyon o ano… hindi ko ho nasa isip ‘yan,” patuloy ni Kuya Wil.

Willie Revillame nagbenta ng sasakyan; P7-M na pinagbilhan ibibigay sa nasalanta ni ‘Ulysses’

Imahe mula sa video ng Wowowin via YouTube channel

“Napakahirap na mayroon kang katungkulan sa gobyern dahil bawat galaw mo eh papansinin ka. Mas maganda na yung ganito po. Hindi ako nagmamagaling, hindi ako nagmamalinis, hindi ako nagyayabang. Gusto ko totoo lahat ng sasabihn ko at gusto ko nalalaman n’yo,” giit pa niya.

Matatandaang ibinenta ni Kuya Wil ang isa niyang sasakyan na nagkakahalaga ng P7 million, at ito ay kanya pang dinagdagan mula sa sariling bulsa upang matulungan ang mga kababayan sa Montalban at Marikina.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: