Julia Barretto inaming in love at nasa bagong relasyon

  • Sa isang panayam ay inamin ni Julia Barretto na siya ay in love ngayon at may bagong karelasyon
  • Hindi naman sinabi ni Julia kung sino ang kanyang karelasyon dahil natuto na raw siya sa mga nakaraang relasyon na maraming tao ang humusga
  • Hindi man tuwirang sinabi ni Julia kung sino, marami ang nagpapalagay na ito ay si Gerald Anderson

Isang taon na ang nakaraan simula noong naging malaking isyu sa online community ang naging palitan ng maaanghang na Instagram posts and stories ng Kapamilya actress na sina Bea Alonzo at Julia Barretto.

Imahe mula Instagram

Nag-umpisa ang isyu matapos umanong maglaho at iwan ng nobyo noon ni Bea na si Gerald Anderson ang actress at nagkaroon ng lihim na relasyon sa mas batang aktres na si Julia. Bago mangyari ang isyu, nagtambal sina Gerald at Julia sa pelikulang “Between Maybes.”

Sa pagdaan ng mga buwan, unti-unti na ring humupa ang isyu at nakamove-on na ang tatlong Kapamilya celebrities. Subalit hindi pa rin nakukumpirma ang relasyon nina Julia at Gerald hanggang sa nito lang sa isang panayam, inamin ni Julia na siya ngayon ay in love at nasa isang relasyon.

Subalit hindi naman sinabi ng 23-anyos na aktres kung sino ang kanyang karelasyon ngayon. Aniya, natuto na raw siya sa nakaraang relasyon na naging bukas sa publiko.

Imahe mula Instagram

“I think nobody understands the kind of trauma of having a relationship so public, and then also have a lot of people see when your relationship fails. They thought they knew my pains, they thought they knew my joys, they thought they knew everything—all the reasons that caused the breakup. But nobody really does,” ani Julia.

Kaya naman sa pagkakataong ito umano, nasa kanyang kontrol na maging pribado ang bagong relasyon.

“I am in total control of how much I am only willing to share and how much I am only allowing people to know. I’ve already come to realize how important it is to protect your peace and privacy—and that both go well together.”

Marami namang netizens ang nagpapalagay na ang nabanggit ni Julia na bagong karelasyon ay si Gerald pa rin. Lumabas ang bali-balitang namataan si Julia sa beach house ni Gerald sa Zambales. Sa kanyang IG story ay prinomote ni Julia ang naturang beach resort.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: