Inmate na inutusang mag-igib ng tubig sa labas ng jail facility, nakatakas

  • Ayon sa inilabas na balita kamakailan, isang preso mula sa Samar ang nakatakas matapos utusang mag-igib ng tubig
  • Sa tatlong inmate na inutusang mag-igib ng tubig dahil walang tubig sa loob ng preso, isa rito ang hindi na bumalik
  • Hiniling ng mga awtoridad sa publiko na ipaalam sa kanila kung sakaling makita ang nasabing preso

Agaw-pansin sa mga netizens ang inilabas na ulat ng GMA News tungkol sa isang preso na nakatakas matapos utusang mag-igib ng tubig sa labas ng jail facility. Hanggang ngayon ay pinaghahahanap pa rin ang nasabing inmate na may mabibigat na kaso.

Imahe mula Facebook

Kasalukuyang nasa subprovincial jail sa Calbayog City sa Samar ang inmate na si Jerry Dealagdon dahil sa tatlong mabibigat na kasong nakasampa sa kanya. Dahil wala umanong tubig sa loob ng pasilidad, inutusan si Jerry at dalawa pang inmate na mag-igib ng tubig sa labas.

Subalit pagkatapos mag-igib, dalawang preso na lamang ang nakabalik sa piitan samantalang tumakas na si Jerry, ayon sa inilabas na ulat sa Ronda Probinsiya portion ng Unang Balita.

Ngayon ay pinaghahahanap na ng mga awtoridad ang tumakas na preso habang umaapela sila sa publiko na ipagbigay alam ang anumang impormasyon tungkol kay Jerry.

Ang tanong naman ng mga netizens, “bakit pinag-igib at walang kasamang bantay?”

Imahe mula YouTube

Dahil itinuturing na mapanganib sa lipunan lalo na ang may mabibigat na kaso, hindi dapat hinahayaan ang mga preso na basta na lamang lumabas sa piitan nang walang kasamang mga awtoridad.

“Tingin ko matagal nang pinagplanuhan nung preso ang pagtakas, nasa isip na niya kung magpapakabait siya ay makakalaya na siya, kaya naging masunurin siya sa mga nag-utos sa kanya, successful din naman plano niya,” ayon sa isang nagbigay ng komento.

Iniisip naman ng iba na maaaring mayroong matatanggal sa puwesto dahil sa nangyaring insidente at kapabayaan ng mga awtoridad.

“Bakit ‘di binantayan, tatakas talaga yan. Naku naman, may matatanggal na naman nito sa puwesto.”


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: