‘Importante buhay din kayo:’ 48-anyos na ginang at kanyang mga alagang aso, nakaligtas sa pananalasa ng bagyo

  • Laking pasasalamat ng isang ginang mula Rodriguez, Rizal dahil nakaligtas ang kanyang pamilya at mga alagang aso sa naging pananalasa ng bagyong Ulysses
  • Ayon sa ginang, walang nakaligtas kahit anuman sa kanilang mga gamit na nalubog sa baha at ngayon at nababalutan ng putik
  • Pinatuloy ang pamilya ng ginang at kanyang mga alagang aso sa bahay ng kanilang kapitbahay kaya umano sila nakaligtas

Bangungot na maituturing para sa maraming Pinoy ang naging pananalasa ng bagyong Ulysses kamakailan. Halos kasamang lumubog sa baha ang marami nilang gamit, ang iba ay nawalan ng miyembro ng pamilya, at mga alagang hayop na hindi naisalba.

Imahe mula PCG

Para sa mga nakaligtas, malaki ang kanilang naging pasasalamat dahil sa panibagong buhay, subalit nanlulumo naman sila sa kinahinatnan ng pananalasa ng bagyo. Halos wala nang bahay at mga gamit na mababalikan ang ilang pamilyang Pilipino.

Bagama’t walang naisalbang gamit, lubos pa rin ang kasiyahan at pagpapasalamat ng 48-anyos na si Ginang Ma. Lydia “Arly” Torio dahil nakaligtas ang kanyang pamilya at mga alagang aso sa matinding pagbaha sa kanilang lugar sa Rodriguez, Rizal.

Kuwento ng ginang, matapos malubog sa baha ang kanilang bahay ay pinatuloy sila ng kapitbahay sa kanilang tahanan para makaligtas sa rumaragasang tubig-baha.

Imahe mula kay Arly Torio via Facebook

Sa kanyang Facebook account ay ibinahagi ni Arly ang litrato niya at ng limang alagang aso habang nasa kalagitnaan ng putikan at mga nasira nilang gamit.

“Importante buhay din kayo, lalaban tayo, mga babies!” ang inilagay na caption ng ginang.

Ang litratong ito ni Arly at ng kanyang mga alagang aso ay agad na nag-viral at marami ang nais na tumulong.

“Pasensya na po marami na po nagme-message hindi ko na po ma-monitor lahat,” ani ng ginang.

Imahe mula kay Arly Torio via Facebook

“I’m not asking for anything po. Pero prayers lang para sa pamilya ko at mga babies ko malaking tulong na po sa amin,” dagdag pa niya.

Para sa mga nais magpadala ng donasyon sa pamilya ni Torio, maaari n’yo itong ipadala sa mga sumusunod na account: Landbank (Ma. Lydia Aquino Torio, 5126948575); GCash (Absalon Capio, Jr., 09266577374).


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: