Ilang residente sa Alcala, Cagayan na nag-camp out sa gilid ng highway, naghihintay ng ayudang pagkain

  • Umabot sa mahigit 15 metro ang baha sa maraming bayan sa Alcala, Cagayan matapos manalasa ng bagyong Rolly
  • Sa malalang putik na dulot ng pagbaha ay napilitan ang maraming residente na mamalagi na lamang sa gilid ng kalsada habang naghihintay ng ayuda
  • Maraming ahensya ng pamahalaan at mga pribadong grupo ang patuloy na nagbabahagi ng relief goods at mga tulong sa residente ng Alcala

Isang linggo pagkatapos manalasa ng bagyong Rolly sa maraming lugar sa bansa ay marami pa ring mga nasalantang Pinoy ang hindi pa nakababalik sa kanilang mga tahanan. Marahil ang kanilang mga tahanan ay lubog pa rin sa baha o makapal na putik, o kaya naman ay tuluyan nang nasira ang kanilang mga bahay.

Imahe mula Philippine Coast Guard

Isa ang Alcala municipality sa probinsya ng Cagayan sa mga labis na naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Rolly. Lumubog sa baha ang maraming barangay sa lugar at marami sa mga residente ang napilitang mamalagi sa bubong ng kanilang bahay upang makaligtas mula sa baha.

Nangailangan ng malaking tulong ang Cagayan kabilang na rin ang Alcala. Maraming residente ang dumadaing ng gutom dahil sa kawalan ng mga makakain. Kaya naman dinagsa ng tulong ang bayan mula sa mga ahensya ng gobyerno at maski mga pribadong grupo at indibidwal.

Isang linggo pagkatapos manalasa ang bagyong Rolly ay humupa na ang baha sa maraming barangay sa Alcala, subalit iniwan naman ng matinding pagbaha ang makapal na putik na bumabalot ngayon sa maraming tahanan at mga kagamitan dito.

Imahe mula Philippine Coast Guard

Dahil sa kapal ng putik, napilitan ang ilang residente sa Alcal na mag-camp out o gumawa ng barong-barong sa gilid ng kalsada. Dito na rin hinihintay ng mga residente ang ayuda na ibibigay ng mga grupo tulad ng mga pagkain, bigas, damit, at marami pang iba.

“Dati ‘pag binabaha kami mabilis bumaba, ngayon lang ‘yong matagal talaga kaya maraming nasira,” ani ng isang residente. “Sa long-term, ang talagang kailangang tulong ng Alcala ay kung papaano maibsan ang baha nang sa gayon ay hindi na ito paulit-ulit,” ani Mayor Cristina Antonio.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: