IKEA planong mag-hire ng halos 500 na mga Pinoy sa kauna-unang store nito sa Pasay

  • Magkakaroon na ng kauna-unahang branch ng IKEA dito sa bansa sa darating na 2021
  • Sa pagbubukas ng bagong store ng IKEA ay mangangailangan sila ng nasa 500 na manggagawang Pinoy para sa iba’t ibang posisyon
  • Ang IKEA ang isa sa pinakamalaking home furnishing retailer sa buong daigdig na mayroong mahigit 400 stores sa 50 na bansa

Magkakaroon na ng physical store ang tinaguriang isa sa mga pinakamalaking home furnishing retailer na unang itinatag sa Sweden 75 taon na ang nakararaan, ang IKEA. Magandang balita ito hindi lamang sa mga mahilig mamili ng mga gamit sa bahay kundi para na rin sa mga Pinoy na naghahanap ng trabaho.

Imahe mula Instagram | @ikeausa

Sa pagbubukas ng warehouse store ng IKEA sa Pasay sa darating na 2021, ipinahayag nila na mangangailangan sila ng nasa 500 na mga manggagawang Pinoy para sa iba’t ibang posisyon. Kabilang sa mga posisyon na ito ay sales associates, recovery associates, food assistants, at customer service associations, magbubukas din ng posisyon para sa mga part-timers.

Sa ngayon ay maaari nang mag-apply para sa 496 positions na available hanggang June 2021. Para sa mga karagdagang detalye, puntahan lamang ang website ng IKEA sa www.ikea.ph.

“The IKEA vision is to create a better everyday life for the many people. Creating meaningful, stable jobs and great workplaces is just one way that we fulfill this vision – more important than ever during these challenging times,” ayon sa pahayag na ibinigay ni Christian Rojkjaer, managing director ng IKEA Southeast Asia & Mexico via e-mail.

Imahe mula Instagram | @ikeausa

Bukod sa nasa 500 na mga trabaho, pauuwiin din ng IKEA ang nasa 20 overseas Filipino workers (OFW) na nagtatrabaho sa IKEA stores, lalo na sa Middle East. “At IKEA, it’s all about putting we before me, empowering people to make decisions, and challenging the status quo,” ani Georg Platzer, Market Development Manager and Store Manager ng IKEA Philippines.

Dagdag pa niya, “part-timers are treated like full-time members of the family, with all the same benefits as full-timers on a prorated basis – including health insurance, annual leave, subsidised meals and IKEA discounts.”

Imahe mula IKEA PH website

Noong nakaraang buwan, sinabi ng IKEA PH na uumpisahan na nila ang paglunsad ng kanilang online operations bago ang pagbubuksa ng kanilang physical store sa susunod na taon. Nagkaroon na rin ng kasunduan ang IKEA PH at SM Investments Corp. tungkol sa 65,000 square meter area sa Mall of Asia complex sa Pasay City upang maging lokasyon ng warehouse.

Sa ngayon, ang IKEA ay mayroon nang mahigit 400 stores sa 50 na mga bansa mula sa iba’t ibang panig ng mundo.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: