‘I have COVID for you’: Groom may kakaibang wedding vow sa kanyang bride

  • Ikinasal kamakailan ang magkasintahan mula sa Talisay City, Cebu
  • Kuwento ng mayor na siyang nagkasal sa magkasintahan, nagulat siya sa naging wedding vow ng groom
  • Nabanggit kasi ng groom ang katagang “I have COVID for you” na ang mga letra ng “COVID” ay may isa-isa palang kahulugan

Bahagi ng seremonya sa tuwing ikinakasal ang palitan ng wedding vows ng magkasintahan. Ang wedding vows ay mula mismo sa bride at groom, at ito ay maaaring saulado nila o kaya ay may kodigo na binabasa.

Imahe mula kay Mayor Gerald Anthony Gullas via Facebook

Madalas din na marami ang naiiyak sa mga ibinabahaging wedding vows ng mga ikinakasal, sa harap kasi ng pari o ng wedding officiant ay isinasaad ng magkasintahan ang kanilang mga pangako sa isa’t isa sa panghabang-buhay na pagsasama.

Subalit nagulat ang nag-officiate ng kasal matapos niyang marinig ang wedding vow ng isang groom sa dinaluhang garden wedding sa isang lungsod sa Cebu. Hindi akalain ng mga nakarinig na isasama ng groom sa kanyang wedding vow ang “COVID.”

Kuwento ni Talisay City, Cebu Mayor Gerald Anthony Gullas, mayroong kakaibang wedding vow siyang narinig habang naging wedding officiant sa mga magkasintahan na ikinasal kamakailan.

Imahe mula kay Mayor Gerald Anthony Gullas via Facebook

Anim na pares ang ikinasal ni Mayor Gullas kamakailan sa isang garden wedding na tinawag ng kanilang tanggapan na hashtag “Garden Wedding Wednesday.” Kabilang sa mga ikinasal ay ang magkasintahan na sina Fritz Ervin Candralo at Lady Sharmin Recto.

Ani Mayor Gullas, nang pagkakataon na ng groom na si Fritz na sabihin ang kanyang wedding vow, wala itong binabasang kodigo at mula mismo sa kanyang nararamdaman ang pagsambit ng mga pangako sa kanyang bride.

Nabanggit ng groom ang kanilang pagiging mapalad na ikasal kahit mayroong pandemya. Nabanggit din niya kung paano naapektuhan ng COVID-19 ang maraming Pinoy kabilang na ang kanilang pamilya.

Imahe mula kay Mayor Gerald Anthony Gullas via Facebook

Pagkatapos nito, isinigaw umano ni Fritz ang katagang “I have COVID for you.” Nagulat umano si Mayor Gullas, subalit ang sumunod na sinabi ng groom ay ang kahulugan ng bawat letrang bumubuo sa COVID.

C para sa care (I will always take care of you), O para sa obligation (I will take care of all my obligations for you), V para sa values (I will have the right values in our marriage), I na idol (Faces his wife and says, you will always be my idol), at ang letrang D bilang dedication (I will be forever dedicated to you).

Naks! May COVID vows nga naman.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: