‘Hindi lang isa yung dumating na parcel, kundi dalawa!’ Lalaki, nagulat sa ginawang paghihiganti ng nobya

  • Viral ngayon sa social media ang isang post ng netizen habang ikinukwento ang nangyari sa pagitan nila ng kanyang nobya
  • Kuwento ng lalaki, nag-away sila ng kanyang nobya ngunit kalaunan ay nagbati rin
  • Hindi akalain ng lalaki na bilang paghihiganti sa kanya ng nobya ay nagpadeliver ito ng mga orders online na ang lalaki mismo ang nagbayad

Kapag nag-aaway kayo ng iyong karelasyon, ano ang iyong ginagawa upang siya ay suyuin? Ngunit paano kung imbes na suyuin ay paghihiganti ang ginawa sa iyo ng taong iyong minamahal? Ito ang nangyari sa isang netizen subalit imbes na magalit ay natawa na lamang siya sa ginawa sa kanya ng nobya.

Imahe mula Freepik

Isang araw pagkatapos i-post sa Facebook, umani na agad ng 46,000 reactions na puro “HAHA”, 26,000 comments, at 39,000 shares ang post ng isang lalaki habang ikinukuwento ang naganap na pangyayari sa pagitan nila ng kanyang nobya.

Kuwento ni Jessie Abalos Cagurangan, nagalit umano sa kanya ang nobya na si Jenny Mae Manaois Garcia dahil sa pakikipag-inuman niya hanggang madaling araw. Dahil dito ay nag-away umano sila subalit hindi nagtagal ay nagbati rin.

Isang umaga pagkatapos umano nilang magbati, nakatanggap ng tawag si Jessie mula sa kanilang guard. “Biglang tinawag ako ng guard may parcel daw ako sa baba. Napaisip ako kasi “WALA NAMAN AKONG IN-ORDER,” ani Jessie.

Imahe mula Facebook

Nalaman na lamang niya umano na ang parcel na idineliver sa kaniya ay order ng nobya. “‘Tong magaling kong girlfriend pala ang nag-order at ang nakakabilib dun, sa’kin ang address! So, sabi ko sa sarili ko, okay lang at isa lang naman e. As usual, babayaran ko,” kuwento ni Jessie.

Subalit nagdaan ulit ang isang araw, habang si Jessie ay nasa labas ay tumawag naman ang kaniyang officemate at sinabing may parcel na ide-deliver sa kanya. “Wala akong matandaang in-order ko. Tapos tinanong ko ‘tong girlfriend ko, sa kaniya pala. And yet, sa’kin pa rin naka-address. Syempre pinabayaran ko na naman,” sabi ulit ni Jessie.

Makalipas ulit ang isang araw ay hindi lang isa kundi dalawang parcel ang muling natanggap ni Jessie na order din ng nobyang si Jenny. “So ngayon, napagtanto ko na hindi na ako makikipag-away sa kanya. Mahirap pala yung ganti. Wala eh, love mo, eh!”


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: