Good samaritan sa Cagayan binuksan ang kanyang tahanan para sa evacuees

  • Isang ginang sa Cagayan ang kasalukuyang nagpapatuloy ng evacuees sa kanyang bahay habang matindi pa ang baha sa lugar
  • Bukod sa matutuluyan, pinapakain din ng ginang ang mga evacuees upang mapanatili ang kanilang kalusugan
  • Ayon sa ginang, sariling pera niya mismo ang ginagamit na panggastos at mayroon ding mga nagbibigay sa donation drive na kanyang inilunsad

Isa ang probinsya ng Cagayan sa mga labis na naapektuhan ng nagdaang bagyong Ulysses matapos bumaha sa lugar at lumubog  ang maraming bahay. Pagkatapos ng matagal na panahon ay naranasan muli ang matinding pagbaha sa Cagayan matapos din magpakawala ng tubig ang Magat Dam noong kasagsagan ng bagyo.

Imahe mula kay Vernalyn Amarillo via Facebook

Ayon sa mga lumabas na ulat, maraming residente sa Cagayan ang nananatili na lamang sa bubong ng kanilang bahay, naghihintay na ma-rescue at mahatiran ng relief goods dahil  marami sa kanila ang nakararanas ng gutom.

Kaya naman hindi nag-atubili ang ginang na si Vernalyn Amarillo mula Tuguegarao City na buksan ang kanyang tahanan para sa mga kababayang evacuees na nangangailangan ng matutuluyan. Ayon sa ulat ng GMA News Live, nagmistulang “good samaritan” si Amarillo  dahil sa mga tulong na kanyang ibinigay sa gitna ng paghihirap ng maraming Pinoy.

“Ang sa ‘kin naman po, since hindi naman po ako naapektuhan ng bagyo totally o nung baha. Wala rin po kasi silang titirahan gusto ko lang din pong makatulong so kahit papano po alam ko po kasi yung wala pong matitirhan,” ani Amarillo.

Imahe mula kay Vernalyn Amarillo via Facebook

Bukod sa pagpapatuloy ng evacuees sa kanyang bahay, binibigyan din ng pagkain ni Amarillo ang mga nakikisilong sa kanyang bahay upang kahit papaano ay mabawi ang kanilang lakas sa gitna ng pagre-rescue at pag-e-evacuate.

Bukod sa pagbubukas ng kanyang bahay, umiikot din si Amarillo sa Cagayan upang mamigay ng relief goods. Aniya, sariling pera ang gamit sa pamimigay ng mga relief goods at mayroon ding nagbibigay sa donation drive na kanyang inilunsad.

Kasalukuyang lubog pa rin sa baha ang ilang barangay sa Cagayan at Tuguegarao simula  noong manalasa ang bagyong Ulysses. Ayon sa disaster risk reduction and management officials sa lugar, unti-unti na umanong humuhupa ang baha sa ilang lugar.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: