Estudyante naka-imbento ng Solar Windows na gawa sa mga bulok na gulay at prutas

  • Napabilang sa shortlist ng  James Dyson Award 2020 ang inimbento ng isang estudyante mula sa Mapua University
  • Ang imbensyon niya na ito ay isang gamit na makapagta-transform sa mga bulok na gulay at prutas upang maging renewable energy
  • Kasama ang estudyante sa piniling 20 entries mula sa 1,800 entries ng 27 na mga bansa sa iba’t ibang panig ng mundo

Isang malaking usaping pandaigdigan ang problema sa climate change. At bagama’t may kinahaharap na pandemya ang buong mundo sa panahon ngayon ay hindi naman nito napigilan ang mga tao na mag-isip at gumawa ng paaraan upang masolusyunan ang climate change.

Imahe mula sa James Dyson Award

Isa ang prestihiyosong James Dyson Foundation sa mga naglilinang ng mga young inventors upang makagawa ng iba’t ibang imbensyon na makatutulong nang malaki sa ating mundo.

Ayon sa website nito, “The James Dyson Foundation provides the money, materials and mentorship that budding inventors need, so that they can get hands-on with problems, think laterally, and find solutions.”

Kamakailan ay inumpisahan na ang  James Dyson Award 2020 kung saan 1,800 new inventions mula sa 27 na mga bansa ang sumailalim sa pagpili kung alin sa mga imbensyon na ito ang malaki ang potensyal.

“Design something that solves a problem,” ang deskripsyon na hinahanap ng foundation.

Mula sa 1,800 entries, 20 ang na-shortlist na mga imbensyon, kabilang na rito ang imbensyon ng isang estudyanteng Pinoy na kayang mag-transform ng mga bulok na gulay at prutas upang maging renewable energy.

Imahe mula sa James Dyson Award

Mula ang estudyanteng si Carvey Maigue sa Mapua University, at napasama siya sa mga na-shortlist sa James Dyson Award 2020 dahil sa kanyang imbensyon na tinawag niyang AuREUS; isang aparato na kayang mag-convert at transform ng malinis at renewable energy mula sa mga bulok na gulay at prutas.

Sa ilalim ng sistema ng AuREUS, ina-absorb ng mga bulok na gulay at prutas ang UV light mula sa araw at ito ang kino-convert upang maging elektrisidad. Maaaring gamitin ang aparatong ito sa bintana ng mga gusali.

Imahe mula sa James Dyson Award

“AuREUS devices use the same technology derived from the phenomena that creates the Northern lights. High energy particles are absorbed by luminescent particles that re-remit them as visible light,” pagpapaliwanag sa inilabas na ulat ng James Dyson Award.

Mula sa 20 entries na unang napili ng James Dyson Award 2020 ay tatanghalin ang International Winner, Sustainability Winner, o International Runners-Up na pipiliin ng James Dyson Foundation.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: