DepEd module, umani muli ng batikos matapos ilarawan ang hitsura ng pamilya ng isang magsasaka

  • Ibinahagi ng isang netizen ang kanyang pagkadismaya dahil sa nakitang larawan sa module ng kanyang anak na mula sa DepEd
  • Ayon sa netizen na isang ina, nakababahala ang illustration kung paano ilarawan ang pamilya ng isang magsasaka
  • Sira-sira o gula-gulanit kasi ang dami ng pamilya ng magsasaka na isang halimbawa ng stereotype

Simula noong nagkaroon ng modular distance learning ay marami na ang nag-viral na litrato na nakunan ng mga netizen dahil sa mali o hindi angkop na nilalaman ng mga module na ipinamamahagi sa mga estudyante. Kamakailan ay humingi ng paumanhin ang Department of Education matapos tawaging “obese person” ang nagngangalang “Angel Locsin” na patungkol sa aktres.

Imahe mula Facebook

Kamakailan lamang ay muling nakatanggap ng batikos ang DepEd pagkatapos mapansin ng isang netizen ang illustration sa module ng kanyang anak. Ayon sa netizen na isang nanay, nadismaya siya dahil mali ang inilalarawan ng illustration lalo na at patungkol ito sa mga pamilya ng magigiting na magsasaka.

Ibinahagi ni Jenice Ramiro ang litrato ng module sa English subject ng kanyang anak na isang grade 3 student.

“Napansin ko lang to habang nagbabasa ng module ng anak ko sa English grade 3. Bakit kaya ganito ang larawan ng pamilya ng farmer? Gula-gulanit ang mga damit, madungis at may hubad pa na bata,” ayon sa paglalarawan ni Jenice.

Imahe mula kay Jenice Ramiro via Facebook

Sa larawan na ibinahagi ni Jenice ay makikita ang pamilya ng “The Farmer” at kapansin-pansin dito na sira-sira ang kanilang mga damit at madungis din ang kanilang histura.

“Nakakadismaya po,” ani ng uploader.

“Ang mali po at ang nakakabahala ay ang unang larawan. Walang problema sa kwento, ang mali ay ang unang illustration at ang nag-approve niyan,” dagdag pa ni Jenice. Ini-report na umano niya ang nakitang ito sa module sa DepEd na isang malinaw na halimbawa ng stereotype o isang malawak na ideya tungkol sa isang partikular na bagay na hindi naman dapat naaangkop sa lahat.

Imahe mula kay Jenice Ramiro via Facebook

Una nang ibinahagi ni Angel Locsin na hindi niya natanggap ang pagpapaliwanag ng DepEd tungkol sa viral module patungkol sa kanya. Hindi umano siya nasaktan sa nakasaad rito kundi natatakot siya sa klase ng mga hindi magagandang ideya na makukuha ng mga estudyante sa module.

“What bothers me most is apart from teaching incorrect grammar to the students, DepEd seems unaffected that the said teacher is teaching bad conduct and sowing discrimination among the children. Anong mangyayari sa future kung ang mga kabataan ay tinuturuan ng pambabastos at pangungutya sa kapwa?” ani Angel.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: