DepEd gagastos ng P1.2 billion upang palitan ang mga nasalantang modules

  • Maraming printed modules ng DepEd ang nasalanta pagkatapos manalasa ang sunod-sunod na bagyo kamakailan
  • Upang palitan ang mga nasirang modules, gagastos ang DepEd ng P1.2 billion, ayon na rin kay Education Secretary Leonor Briones 
  • Bukod sa walang gagastusin ang mga magulang at guro sa pag-print ng bagong modules, tinitignan na ng DepEd ang pagbabawas sa paggamit nito dahil sa kamahalan

Bagyong Quinta, Rolly, at Ulysses—sunod-sunod na nanalasa ang mga ito sa Pilipinas na nagdulot ng malalang pagbaha sa maraming lugar. Dahil sa mga pagbahang ito, nasira ang maraming gamit ng mga pamilya kabilang na ang modules ng mga estudyante.

Imahe mula Virtual Pinoy

Ngayon taon ay nasa ilalim ng modular distance learning ang mga estudyante dahil sa banta ng COVID-19, ang mga printed learning materials o modules na mga ito ay mula sa Department of Education at ang mismong mga paaralan ang nagbahagi sa kanilang mga estudyante.

Kamakailan, sinabi ni Education Secretary Leonor Briones na mayroong budget na P1.2 billion para palitan ang mga nasalantang modules.

“Mag-download tayo ng P1.2 billion para sa mga supplementary learning materials, palitan iyong mga nasisira at saka iyong para for the next quarter, mahanda na ito lahat,” ani Briones sa isang Palace briefing.

Ipinaliwanag ni Sec. Briones na hindi gagastos ang mga magulang o mga guro ang magbabayad ng mga ipapalit sa nasirang modules.

“Walang sinasabi ang DepEd na ganoong klaseng polisiya kasi galing sa central office ang perang ito, ida-download na, P1.2 billion for the next term,” aniya.

Imahe mula DepEd Tambayan

Dahil sa laki ng gastos sa pagpi-print pa lamang ng modules at sa hindi magandang naidudulot nito sa kalikasan, sinabi ni Sec. Briones na tinitignan na nila ang paraan ng pagbabawas ng mga modules. “May plea ang Department of Education na unti-unti nating i-reduce ang dependence sa mga printed materials.”

“Pinaka-expensive na learning material ay itong printed kasi gumagamit tayo ng papel, gumagamit tayo ng tinta, very expensive – not only expensive but very harmful to the environment,” dagdag ni Sec. Briones.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: