Bea Alonzo nilisan na ang Star Magic pagkatapos ng 19 years, nananatiling Kapamilya

  • Nakumpirma ng isang entertainment website mula sa mapagkakatiwalaang industry insiders na umalis na sa Star Magic si Bea Alonzo
  • Itinuturing na talent management ang Star Magic kung saan isang homegrown talent at isang A-lister si Bea sa loob ng 19 years
  • Noong nakaraang Oktubre ay natapos ang kontrata ni Bea sa Star Magic

Kapag sinabing “Star Magic,” mga kilala, beterano, at magagaling na artista kaagad ang naiisip ng maraming Pinoy. Ito rin ang talent management arm ng ABS-CBN kung saan kabilang ang pinakakilalang mga artista sa industriya ng telebisyon at pelikula.

Imahe mula kay Bea Alonzo via Instagram

Kabilang ang Kapamilya actress na si Bea Alonzo sa mga homegrown talent at A-lister ng Star Magic. Subalit kamakailan, mga mapagkakatiwalaang industry insiders ang nagsabing umalis na si Bea sa poder ng Star Magic, ayon na rin sa inilabas na artikulo ng Philippine Entertainment Portal (PEP PH).

Bilang isang “homegrown talent,” si Bea ay kabilang sa mga artista sa ABS-CBN na dito na nagsimula ang career sa showbiz. Naging bahagi siya ng Star Magic Batch 10 noong 2001 kasama ang iba pang mga sumikat na artista tulad nina Dennis Trillo, Alfred Vargas, at Nadine Samonte.

“A-lister” naman ang tawag sa mga artistang may premium sa box-office, television ratings, endorsements, at fan base—tulad ni Bea. Kabilang sa mga A-lister ng Star Magic ay sina John Lloyd Cruz, Piolo Pascual, Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Liza Soberano at Enrique Gil.

Imahe mula kay Bea Alonzo via Instagram

Una siyang napanood sa programang K2BU ng ABS-CBN noong 2002. Pagkatapos ang labing-siyam na taon, natapos na ang kontrata ni Bea sa Star Magic nito lamang nakaraang Oktubre at hindi na muli siya pumirma ng bagong kontrata. Subalit mananatili pa rin umanong Kapamilya si Bea.

Hindi lahat ng mga sikat na artista sa Kapamilya network ay nasa ilalim ng Star Magic, ang iba, tulad nina Vice Ganda at Sarah Geronimo ay hawak ng Viva Artists’ Agency Inc. Samantalang fully managed naman ni Biboy Arboleda ang aktor na si Coco Martin. Habang ang actress/TV host na si Toni ay fully managed ng kanyang ina na si Pinty Gonzaga.

Nakumpirma umano ng PEP na mula sa Star Magic ay nasa pamamahala na si Bea ng veteran talent manager na si Shirley Kuan. Wala pang kumpirmasyon na inilabas mula kina Bea o Shirley, ang Star Magic at ang ABS-CBN.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: