Barbie Imperial at Julia Barretto, may nakatutuwang palitan ng Tweet

  • Nagkaroon ng nakatutuwang palitan ng tweets sina Barbie Imperial at Julia Barretto na nais maghiraman ng mga parte ng katawan
  • Naging biro ang nais na paghiram ni Julia sa ‘hinaharap’ ni Barbie at hihiramin naman ni Barbie ang ‘asset’ ni Julia
  • Matatandaan na nasangkot ang dalawa sa pamamahiya dahil sa mga Instagram posts

Hindi mawawala sa mga magkakaibigang babae ang biruan tungkol sa iba’t ibang bagay kabilang na ang katawan ng isa’t isa lalo na kung malapit na magkakaibigan ang mga magpapalitan ng biro. Usapang girls?

Imahe mula Twitter

Ganitong klaseng biruan ang nangyari sa pagitan ng Kapamilya ladies na sina Barbie Imperial at Julia Barretto. Kamakailan, bago pa nabura ng isang netizen ang kanyang tweet patungkol kay Barbie ay marami na ang nag-retweet nito at naitampok pa sa artikulo ng PEP. Ang tweet na ito ng netizen kay Barbie ay sinagot ng aktres.

Ani ng netizen, nais  umano niyang hiramin ang ‘hinaharap’ ni Barbie, “balik ko din agad pipicture lang,” ang nabanggit sa tweet ng netizen. Nireplyan naman ito ni Barbie ng “Sige” na ikinatuwa ng marami kabilang na ni Julia.

Imahe mula kay Barbie Imperial via Instagram

Nag-reply din si Julia na maski siya mismo ay nais ding hiramin ang ‘hinaharap’ ni Barbie. Pabiro naman itong sinagot ni Barbie na nais naman niyang hiramin ang ‘asset’ ni Julia.

Samu’t saring reaction naman ang nagmula sa mga netizens, “gagang ninyo na, tama na!” komento ng isa. Habang mayroon namang netizen na nag-reply ng “nagkahiraman na, ‘di na kailangan Barbie, proportion na rin naman body mo,” ang komentong ito ng netizen ay patungkol sa naging isyu kay Barbie noong nakaraang taon.

Imahe mula kay Julia Barretto via Instagram

Matatandaan na may mga netizens na humusga sa animo’y hindi pantay na ‘hinaharap’ ni Barbie sa isang litrato na ibinahagi niya sa Instagram kung saan nakasuot siya ng swimsuit. Ngunit kahit nakarananas ng shaming ay ginagawa na lamang itong biro ni Barbie.

Samantalang ngayong taon lamang ay napansin din ng maraming netizen ang isang IG picture ni Julia kung saan umano ay wala siyang suot na bra. Maraming fans ni Julia ang nagsabing madalas na hindi nagsusuot ng bra ang mga babae kapag nasa loob lamang ng bahay, at hindi naman pinatulan o nagkomento si Julia tungkol dito.


Loading...
Source :

Twitter, PEP

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: