Balik-tanaw: Natakam ka rin ba sa mga pagkain sa animated shows noong bata ka?

Images via Klasik Titos and Titas of Manila | Facebook
  • Bukod sa mga karakter, may mga bata rin na inaabangan ang pagkain sa mga animated show
  • Sa isang Facebook page, nagbalik sa nakaraan ang marami matapos may mag-post ng screenshots ng mga pagkain sa mga cartoon show
  • Anila, natatakam sila noon sa tuwing nakikita nila ang mga ito sa telebisyon

Isa ka ba sa mga natatakam noon sa kinakain ng mga karakter sa animated shows? Gusto mo rin bang matikman ang sopas at tinapay na madalas almusal sa iba’t ibang cartoon series? Ang gatas na nasa babasaging bote sa mga show na ang lokasyon ay probinsya? O ang mga prutas at hamon na madalas nasa hapag ng mga “dugong bughaw”?

Image captured from Facebook

Bukod sa istorya at mga karakter, mayroon din mga bata na inaabangan ang pagkain sa mga animated show.

Sa Facebook page na Klasik Titos and Titas of Manila, nagbalik sa nakaraan ang marami matapos may mag-post ng screenshots ng mga pagkain sa mga palabas na ito. Anila, natatakam sila noon sa tuwing nakikita nila ang mga ito sa telebisyon.

“Kapag nakikita ko ‘to na kinakain sa cartoons, gusto ko ding tikman. Feeling ko ang sarap,” saad ng page sa caption ng mga litratong ibinahagi nito.

“Ako rin, feeling ko ang sarap-sarap,” tugon ni Shiela Calixto. “Pati iyong soup na luto ni Becky na may patatas na binalatan ni Sarah.”

“Nagtataka ako noon bakit ang creamy at ang lalaki ng sahog ng ‘mainit na sopas’ nila. Tapos ‘pag hinahati nila ‘yong tinapay walang effort. Pero takam na takam talaga ako!” wika ni Rye Kison.

“Mas masarap hitsura ng putok na tinapay nila version,” puna ni Kimberly Enriquez Amandy. “Kapag hinati siksik, kapag bibili ka sa tindahan sa realidad, kapag hinati mo, puro hangin na lang.”

“Mee, too, really! And I also asked mom to create a stew as they call it!” ani J-Gail Alda

Image captured from Facebook