Baby na nilagay sa palanggana upang maitawid sa tubig, safe at nasa mabuting kalagayan
- Isa sa mga na-vir
al na litrato ng mga residente na lumikas sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Ulysses ay ang sanggol na inilagay sa palanggana - Upang makatawid sa bah
anang hindi nababasa, inilagay ang sanggol sa palanggana saka ito dinala sa ligtas na lugar - Kuwento ng nanay ng sanggol, ligtas at nasa mabuting kalagayan ang kanyang baby
Sa kasagsagan pa lang ng pananalasa ng bagyong Ulysses kamakailan ay marami nang mga litrato ng mga na-trap na residente ang nag-viral at maraming nag-share online. Ang mga litratong ito ay mga residente na nagpapa-rescue at humihingi ng tulong, habang ang iba naman ay mga na-trap din na mga alagang hayop na nais patulungan.

Isa sa mga naging viral na litrato ay ang sanggol na nilagay sa palanggana sa gitna ng baha at paglikas ng mga tao. Sa lumabas na mga litrato ay makikita ang isang baby na maingat na inilagay sa palanggana habang napalilibutan ng mga damit at pinapayungan. Ang palanggana ay lumutang sa baha at saka ito dinala papunta sa ligtas na lugar.
Maraming netizen ang nahabag dahil sa naranasan ng sanggol, kaya naman nagbigay ng update ang kanyang ina tungkol sa kalagayan ngayon ng sanggol na nakilala sa tawag na “Baby sa Palanggana.”
“Safe na safe na po ang aming baby na nasa palanggana,” pahayag ni Romelyn Tabalno sa panayam ng FYT na kanilang ibinahagi sa isang Facebook post. Mula sa Lal-lo, Cagayan ang pamilya ni Romelyn at sila ay lumikas matapos bumaha sa kanilang lugar dahil sa bagyong Ulysses.

Matapos mag-viral ang larawan ng sanggol, dinagsa umano sina Romelyn ng mga dasal, malasakit, at tulong mula sa mga netizens. Unang nag-viral ang litrato ni “baby sa palanggana” matapos ibahagi ang mga litrato nito na may caption na salitang Ilocano na “piman” o “kawawa naman” sa Tagalog.
Kuwento ni Romelyn, lumikas ang kanyang pamilya sa bahay ng kanilang kamag-anak sa mas mataas na lugar upang makaligtas sa pagbaha. Patuloy pa rin umano ang pagtaas ng tubig-baha sa kanilang barangay at sa ibang bahagi ng Cagayan.

Para sa mga gustong tumulong kay “Baby sa Palanggana,” narito ang contact details ng kanyang pamilya: