Asong gala na nakapasok sa mall inescortan palabas ng guwardiya na parang tunay niya itong alaga

  • Isang asong gala ang nakapasok sa loob ng Vista Mall at ipinapaalis sa guard
  • Ngunit imbes na hawakan nang mahigpit para maitaboy palabas, inescortan ito ng security guard na parang tunay niyang alaga
  • Tumanggap ng papuri ang mga empleyado ng mall mula sa kumuha ng video na aliw na aliw sa mga pangyayari

Bawal ba ang aso sa mall? Depende. Sa ibang malls, puwedeng dalhin ang mga alagang aso basta’t ito ay nakatali, kakargahin pag-akyat ng elevators at aasikasuhin mo ang dumi nila.

Imahe kuha mula sa video ni Jan Mart Calimpong via Facebook

Subalit isang asong gala ang nakapasok sa Vista Mall nang hindi nahalata ng security guards. Sa videong kuha ni Jan Mart Calimpong, sarap na sarap sa pagkakahiga sa malamig na sahig si doggy. Naiinitan na siguro siya sa labas kaya pumasok upang magpalamig.

Isang empleyado ng mall ang nakaturo sa kanya dahil iniuutos nito sa guard na paalisn si doggy. Ayaw kasi tumayo ng aso kahit na pinapaalis na. Lumapit naman ang isang guard. Subalit kung akala natin ay malupit ang pagpapaalis sa kanya, hindi ganito ang nangyari.

Kalmadong napaupo ang security guard at hinawakan nito ang dalawang paa ni doggy. Ayaw pa sanang umalis ng aso dahil mukhang game pa itong makipaglaro sa kanya. Napatayo na rin siya at hawak-hawak pa rin ng guard ang kanyang mga paa. Dahan-dahan siyang inescortan palabas ng mall na parang isa siyang tunay na alaga.

Imahe kuha mula sa video ni Jan Mart Calimpong via Facebook

Hindi mapigilang maaliw ni Jan Mart habang nagvi-video. “Ang cute!” sabi niya.

Dahil dito, ibinahagi niya ang kuha sa social media at nagpahayag ng pagsaludo sa mall dahil naging mabait ito sa aso.

“To the Vista Mall Taguig management, I commend you for this. Ang cute lang kasi parang nainitan na talaga si doggy sa labas.”

Samantala, ayon sa mga netizens, napapansin nila si doggy kasama ng dalawa pa sa outdoor stalls ng mall. Pinapakain daw ito ng mga tenants.

Imahe via Tanya de Guzman | Facebook

Kuwento ni Scher Padilla,”Yes po tatlo sila. Yung black at isa pang brown dog na mataas ang tenga nasa kabilang side (All Home). Yan naman diyan pwesto niya sa Vista Mall, malapit sa exit sa KFC.”

Lumabas din ang ibang larawan ni doggy na kuha ng mga netizens. Minsan, natutulog lang ito sa may pintuan ng entrance at sa isang larawan sumakay pa ito ng escalator. Marami rin ang nagsasabing inaalagaan ito ng mga guwardiya.

Sana gano’n lahat ng tao, may pagmamahal sa mga hayop.

Good job, Vista mall!

Panoorin ang nakaaliw na video rito.


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: