Andrea Torres binura ang mga litrato ni Derek Ramsay sa kanyang Instagram; hiwalay na nga ba sila?

  • Lumabas ang haka-hakang hiwalay na sina Derek Ramsay at Andrea Torres matapos burahin ni Andrea ang mga litrato ni Derek sa kanyang Instagram
  • Naka-unfollow na rin si Andrea kay Derek subalit wala pa namang kumpirmasyon tungkol sa magkabilang panig
  • Sinagot naman ni Derek ang mga hindi magagandang komento sa kanyang IG tungkol sa kanila ni Andrea

Hindi nakaligtas sa mga matanglawin na netizens nang burahin ni Kapuso actress Andrea Torres sa kanyang Instagram account ang mga larawan ng kanyang nobyo na si Derek Ramsay. Marami tuloy ang nagsasabing hiwalay na ang Kapuso celebrities.

Imahe mula Instagram

Ayon sa inilabas na ulat ng PEP, kinumpirma umano ng isang tao na malapit kay Andrea na hiwalay na nga sila ni Derek. Subalit wala pa namang kumpirmasyon na inilalabas mula sa dalawang panig.

Bukod sa pagbura ng mga larawan ni Derek, naka-unfollow na rin si Andrea sa aktor habang si Derek naman ay naka-follow pa rin sa aktres. Hindi matiyak kung ano ang naging dahilan ng kanilang diumano’y paghihiwalay o maaaring pag-aaway dahil masaya pa umano ang dalawa nang makita sila sa Christmas Station ID shoot ng Kapuso Network noong nakaraang buwan lamang.

Pati sa mga nakaraang panayam kina Derek at Andrea ay nagpahiwatig na sila ng kagustuhang lumagay sa tahimik at mag-umpisa ng pamilya. Nagkatuluyan si Derek at Andrea matapos nilang magtambal sa programang The Better Woman ng GMA Network noong 2019.

Imahe mula Instagram

Ayon naman sa isang source na malapit kay Andrea, kaya naghiwalay ang dalawa ay upang magkaroon ng space mula sa isa’t isa ” to sort things out. They are mature individuals and we trust that they will be able to do the right things and make the right decisions,” ayon sa report ng GMA News Online.

Sa kanyang Instagram account naman ay sinasagot ni Derek ang mga hindi magagandang komento tungkol sa kanila ni Andrea.

“I think he’s not into marriage,” ani ng isang netizen na sinagot naman ni Derek ng, “I think you are wrong.”


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: