Andi Eigenmann kaya pang sumisid at lumangoy sa swimming pool kahit 31 weeks nang buntis

  • Dalawang buwan na lamang ang hihintayin ni Andi Eigenmann bago niya iluwal ang pangatlong anak
  • Ito naman ang kanyang magiging pangalawang anak sa partner na si Philmar Alipayo
  • Pagbabahagi ni Andi, ibang karanasan ang pagbubuntis niya ngayon na tila lumangoy siya sa “pregnancy” kumpara sa pagbubuntis sa anak niyang si Lilo

May ilang babae na maselan ang pagbubuntis, habang may iba naman na tuloy-tuloy lang ang paglaki ng tiyan hanggang sa abutin na nila ang ika-siyam na buwan. Mahabang panahon man ito, para sa iba ay mabilis ang pagdaan ng mga araw hanggang sa hindi nila namamalayan na manganganak na pala sila.

Imahe mula kay Andi Eigenmann via Instagram

Ito ang naramdaman ng aktres at ngayon ay vlogger na si Andi Eigenmann sa pangatlo niyang pagkakataon sa pagbubuntis. At kahit malaki ang tiyan at dalawang buwan na lamang ay iluluwal na niya ang anak ay nagawa pa ni Andi na mag-swimming at sumisid sa swimming pool.

Ibinahagi niya ang litrato na nasa underwater ng isang swimming pool habang naka-flex ang kanyang baby tummy. Nilagyan ito ng aktres ng caption na: “When life gets you down, do you know what you’ve gotta do? Just keep swimming, just keep swimming, swimming, swimming!”

Swam through 31 weeks! This pregnancy has def flown by! Soon we will meet the newest addition to our happy island fam. Our little glimmer of hope! But for now, enjoying every moment of this pregnancy, cherishing every moment of it. Just so grateful to have my fam by my side, specially now that @chepoxz is here too!

Imahe mula kay Andi Eigenmann via Instagram

Ang soon-to-be newest addition sa pamilya nina Andi ay ang kanyang pangalawang anak sa partner na si Philmar Alipayo. Ang panganay na anak ni Andi sa personalidad na si Jake Ejercito ay si Ellie, samantalang ang unang anak naman niya sa surfer na si Philmar ay si Lilo.

Kamakailan ay ibinahagi ni Andi na kakaibang pagbubuntis ang pinagdaraanan niya ngayon kumpara noong ipinagbubuntis niya si Lilo.

“Looking back on all my pregnancy photos with Lilo reminds me of how different of a time that was.  I remember being so excited to take a new photo of my growing belly every week.  This time around, already 30 weeks into this pregnancy, just taking bump pics before its too late.”


Loading...
Source :

Instagram

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: