Alden Richards nagsagawa ng relief operation pagkatapos makalikom ng P222k na donasyon para sa mga nasalanta

  • Pagkatapos makalikom ng nasa P222,000 mula sa kanyang game streaming, nagsagawa si Alden Richards ng relief operation para sa mga nasalanta ng bagyo
  • Kanyang hinatiran ng tulong ang lugar ng Marikina na isa sa mga labis na naapektuhan ng bagyong Ulysses kamakailan
  • Kabilang sa mga ipinamigay na relief goods ay bigas, de lata, at toiletries

Kung dati ay itinuturing ang paglalaro ng mga online games na isang hindi magandang impluwensya lalo na sa kabataan, ngayon ay nakatutulong na rin ang aktibidad na ito lalo na sa mga nangangailangan ng tulong para sa kanilang kabuhayan.

Imahe mula Facebook

“Katas ng paglalaro ang tulong ngayong araw,” ito ang nabanggit ng Kapuso actor at Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards matapos ilunsad ang relief operation upang matulungan ang mga nasalanta ng bagyong Ulysses.

Alden Richards nakalikom ng mahigit 222k sa kanyang gaming stream; ipamimigay sa mga nasalanta ni Ulysses

Ang Barangay Malanday at Tumana sa Marikina ang nahatiran ng tulong ni Alden bitbit ang mga relief goods na nagmula sa donasyon ng mga nanood sa kanyang online game streaming na “AR Gaming.”

“Isa talaga yung Marikina sa mga pinakamatindi yung naging damage because of the typhoon, so dito kami nag-decide na ibigay ang mga donations natin,” ani Alden. Umabot sa mahigit P222,000 ang nakalap na donasyon ng aktor mula sa mga nagbigay sa kanya ng “stars” habang live na naglalaro ng online games.

Imahe mula kay Leysam Sanciangco

Kabilang sa mga ipinamahagi sa mga residente ay plastic bags na mayroong mga bigas, de latang pagkain, at toiletries na malaking tulong umano sa kanila. Si Alden ang mismong nag-abot ng mga relief goods sa mga residenteng tuwang-tuwa hindi lamang dahil sa natanggap kundi dahil na rin nakita nila ang Kapuso actor.

“‘Yun din naman yung purpose ko talaga, why I started gaming eh. Aside from para makita ng mga tao yung bagay na that I enjoy doing, it’s also yung mga nakukuha natin na mga stars, mga tips thats what we call it, talagang mas gusto ko siya na ginagamit for good use. So this is it. This is the first charity work ng AR Gaming,” kuwento ni Alden.

Imahe mula kay Leysam Sanciangco

Pahayag pa niya, hindi raw talaga niya ipinaaalam sa iba ang mga ginagawang charity works. Subalit kinakailangang malaman ng kanyang online game followers kung saan napupunta ang mga binibigay nilang donasyon.

“Actually marami naman sa nakakakilala sa akin that I don’t publicize my charity works but I wanted to be transparent to the viewers, dun sa mga nag-donate kasi it came from their own pockets. Gusto kong ipakita na may pupuntahan yung dinonate nila,” ani Alden.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: