Alden Richards excited at kinakabahan sa nalalapit niyang virtual reality concert

  • Sa darating na Disyembre ay magkakaroon si Alden Richards ng kanyang sariling virtual reality concert
  • Magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ni Alden dahil kakaiba ito kumpara sa mga dating shows na kanya nang nagawa
  • Hindi pa man dumarating ang Disyembre ay halos sold out na ang kanyang anniversary virtual reality concert

Sa gitna ng COVID-19 pandemic, unti-unti nang bumabalik sa nakasanayan ang mga Pilipino sa ilalim ng new normal. Iba’t ibang industriya na ang nagbubukas at nagbabalik-operasyon habang istriktong tumutupad sa health and safety protocols.

Imahe mula Instagram

Kung noong unang buwan ng COVID-19 pandemic ay halos replay na lamang ang napapanood na mga programa sa telebisyon, ngayon ay balik taping na rin ang mga artista at network sa ilalim na rin ng new normal.

Hindi na lang din mga programa sa telebisyon ang nagbabalik dahil maski ang pagkakaroon ng concert ay posible na rin sa panahon ngayon na ipinagbabawal pa ang mass gatherings. It ay dahil sa nauusong virtual reality concert.

Isa ang Kapuso actor na si Alden Richards sa mga pinakaunang maglulunsad ng virtual reality concert sa gitna ng pandemya. Ito ay kanyang handog para sa mga tagahanga bilang pagdiriwang ng kanyang anniversary sa showbiz.

Imahe mula Instagram

Bukod sa virtual reality concert ni Alden na “Alden’s Reality” na gaganapin sa darating na December 8, maglalabas din umano siya ng bagong single. Ani Alden magkahalong kaba at excitement ang kanyang nararamdaman para sa nalalapit na anniversary concert.

Kumpara sa mga dating shows na kanyang nagawa, kakaiba at una umano para kay Alden ang virtual reality concert dahil sa uri ng teknolohiya na ginamit upang maisakatuparan ito. Gamit ang VR technology, parang kaharap lang umano ng viewers si Alden habang hinaharana ang mga ito sa concert.

Imahe mula Instagram

Mismong si Alden raw ay namamangha habang nagdadaan sa rehearsals ngayon.

“So natapos na ‘yung kaba, more on very excited ako ngayon na magkakaroon ng first-ever virtual reality concert dito sa atin sa Pilipinas,” ani Alden. Hindi pa man dumarating ang Disyembre ay halos sold out na umano ang kanyang anniversary virtual reality concert.

Hindi pa man inaanunsyo, pinasilip ang magiging guest ni Alden sa concert na isang umanong “most streamed band in the country.” Ang VR concert ay sa direksyon ni Paolo Valenciano at makakasama rin bilang line producer ang Asia’s Romantic Balladeer na si Christian Bautista.

Sa Facebook ay ibinahagi niya ito:  “Hey Guys! In less than a month, magkakasama na tayo 😎 Here’s how to use the VR device — watch this! #AldensReality #AldenRoadToTen

ICLICK ANG IMAHE PARA SA VIDEO

Loading...
Source :

YouTube, Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: