ALAMIN: Paraan kung paano maisasalba ang mga modules at libro na nabaha

  • Sa naganap na matinding pagbaha dulot ng malalakas na bagyo sa bansa ay maraming mga modules at libro ang nabasa at hindi nailigtas sa pananalasa
  • Sa programang Unang Hirit ng GMA Network, ibinahagi ng isang eksperto kung paano maisasalba ang mga nabasang modules at libro
  • Ilan sa mga nabanggit na paraan ay paghihiwalay sa mga pages upang hindi manatiling dikit-dikit at pagpunas sa mga ito gamit ang tuyong sponge

Maraming printed modules at libro ang napinsala sa nagdaang matinding pagbaha dulot ng malalakas na ulan na tumama sa bansa. Dahil nasa ilalim ng modular distance learning ang mga estudyante ngayong mayroong pandemya, hindi naiwasang hindi maisalba ang mga modules at libro sa loob ng kanilang mga bahay na nalubog sa baha.

Imahe kuha mula sa video ng GMA Public Affairs via YouTube channel

Sa programang Unang Hirit ng GMA Network, ibinahagi ng isang DIY o do-it-yourself expert kung paano maisasalba ang mga nabasang module o libro dulot ng pagbaha. Ayon sa eksperto, hangga’t buo pa ang mga papel ng modules at libro ay maaari pa itong mapakinabangan muli.

Una ay maaaring saglit na ilubog ang mga papel, paisa-isa, sa malinis na tubig na nasa palanggana at saka ito banlawan. Ito ay upang matanggal ang mga dumi o putik na kumapit sa papel, tandaan lamang na dapat ay doble ingat kapag nilubog sa tubig ang mga papel lalo na kung manipis ang mga ito.

Pagkatapos ilubog sa tubig ay ilapag isa-isa at magkakahiwalay ang mga papel sa malinis na surface at saka ito dahan-dahan na punasan ng tuyong sponge, ang pagpunas ay maingat na pag-press sa mga papel. Dobleng ingat din ang dapat gawin upang hindi masira ang mga papel at ang nakaimprenta rito.

Imahe kuha mula sa video ng GMA Public Affairs via YouTube channel

Sa mga libro naman, paghiwa-hiwalayin ang pages at saka lagyan ng mga malilinis na tela ang pagitan ng mga ito. Sa ganitong paraan, mapapabilis ang pagkatuyo ng mga pahina dahil nahihigop ng mga tela.

Laging maging maingat sa paghawak ng mga basang module o libro. Huwag pilitin na paghiwalayin ang mga pahina o papel. “Basta dahan-dahan lang ang paghihiwalay,” ani ng eksperto.

Para naman mawala ang hindi magandang amoy dahil sa pagkakabasa ng mga module o libro, maaaring gumamit ng baking powder o baking soda. Subalit hindi ipupunas ang mga ito, maglagay lamang ng baking powder o soda sa isang lalagyan at saka ito ilagay sa loob ng box kasama ng mga libro o module upang mawala ang ‘di kaaya-ayang amoy.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: