AFP Spokesperson, sinabing walang nakikitang problema kung hihiram ang VP ng military assets para sa relief mission

  • Nagkaroon ng isyu kamakailan nang sabihin ni Atty. Salvador Panelo na sumakay si VP Leni sa isang C-130 upang magdala ng relief goods
  • Napatunayan na mali ang impormasyon na ito kaya humingi ng paumanhin si Panelo at si Defense Secretary Delfin Lorenzana
  • Ayon naman sa spokesperson ng AFP, wala silang nakikitang mali kung gagamit ang VP ng military assets para sa relief mission

Nabalot ng isyu kamakailan ang naging pagpunta ni Bise Presidente Leni Robredo sa Catanduanes upang personal na mamahagi ng relief goods para sa mga nasalanta ng mga nagdaang bagyo.

Imahe mula DF Balita

Duterte, Robredo malabo nang magkasundo at magkatrabahong muli – Palasyo

Bukod sa sinisi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-trending ng #NasaanAngPangulo sa VP ay pinagbintangan din siya ni Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na sumakay ng C-130 plane na naglalaman ng relief goods upang pagmukhain na siya ang nagdala nito sa mga nasalanta sa Catanduanes.

“Sumabay ka doon sa mga relief goods. O, ‘di parang ikaw ang may dala noon,” ani Panelo sa kaniyang programang ‘Counterpoint’. Ang impormasyon umano na ito ay nakuha mismo ng Presidential Legal Councilor kay Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Matapos ipahayag ang akusasyon na ito ay agad ring humingi ng paumanhin sina Panelo at Lorenzana kay VP Leni dahil sa maling impormasyon. “Wala nga daw na si VP Leni ay sumakay sa eroplano pero ‘yung relief goods niya ay isinakay sa isang chopper, helicopter. Isinabay sa relief goods na dadalhin sa Catanduanes.‘Yun ang istorya. Kaya sabi ni Sec Lorenzana, ‘apologies. Mali ang info ko,’” ani Atty Panelo.

Imahe mula sa VP Leni Robredo Facebook page

Panelo, Lorenzana nag-sorry kay Robredo dahil sa ‘maling info’ tungkol sa relief effort sa Catanduanes

“I requested the Philippine Air Force to confirm through their flight manifest and they reported that there was no instance that Vice President Robredo boarded any military aircraft in going to Catanduanes,” ayon naman kay Lorenzana. “Secretary Lorenzana said he has sent his apologies to the Vice President for making a comment based on an erroneous report submitted to him,” ayon sa inilabas na pahayag.

Imahe kuha mula sa video ng ABS-CBN via Facebook

Ayon naman sa spokesperson ng Armed Forces of the Philippines MGEN Edgard Arevalo, wala silang nakikitang problema kung hihiram ni VP Leni ang military assets lalo na kung ito ay para sa mga relief mission.

“If you’re going to ask us about the vice president using Naval, air, or land assets, wala naman po tayong problema doon. Puwede naman natin siyang tulungan, of course, kailangan natin syempre ng mga coordinations tayong initial na kailangang gawin,” ani MGEN Arevalo sa isang panayam.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: