80-anyos na lolong nakaligtas sa hagupit ni Ulysses, nagawa pang ayusin ang gate ng kanilang bahay

  • Bagama’t nakaalis na ang bagyong Ulysses sa Pilipinas, iniwan pa rin nitong nakalubog sa baha ang maraming lalawigan
  • Kabilang sa mga probinsya na labis na nabaha ang Bulacan kung saan nakatira ang isang 80-anyos na lolo
  • Kuwento ng lolo, kahit giniginaw at nasa gitna ng baha at pananalasa ng bagyong Ulysses ay nakaligtas pa rin siya at nagawa pang ayusin ang gate ng kanilang bahay

Isang malaking pagsubok para sa maraming Pinoy na nakaranas na noong 2009 ng pananalasa ng bagyong Ondoy ang pagdating naman ng bagyong Ulysses kamakailan. Naihambing ang dalawang bagyo dahil sa parehong idinulot nila na pananalasa sa bansa tulad ng paglubog ng maraming bahay dahil sa matinding baha.

Imahe kuha mula sa video ng GMA News via YouTube channel

Sa Luzon, kabilang ang probinsya ng Bulacan sa mga labis na nasalanta ng bagyong Ulysses matapos nitong palubugin sa baha ang maraming kabahayan. Bagama’t wala na si Ulysses ay iniwan niyang lubog ang ilang bahagi ng nasabing lalawigan.

Kaya naman walang magawa ang mga residente kundi lumusong na lamang sa baha upang makapasok sa trabaho o  makabalik sa kanilang mga tirahan at ayusin ang mga nasalantang gamit.

Sa ulat ng 24 Oras ng GMA kamakailan, baha pa rin sa ilang lugar sa Bulacan matapos manalasa ng bagyong Ulysses. Bagama’t malaki na ang ibinaba ng tubig sa lugar ay may natitira pa ring bahagi na kailangang suungin ng mga residente.

Imahe kuha mula sa video ng GMA News via YouTube channel

Kabilang sa mga nakaligtas sa pananalasa ng bagyong Ulysses ay ang 80-anyos na si Lolo Avelino Bulao kung saan ikinuwento niya ang naging karanasan habang naipit sa pagbaha sa kanilang lugar.

Kuwento ni Lolo Avelino, lagpas-tao ang naging tubig sa kanilang lugar hanggang sa umabot ito sa bubong ng kanilang bahay. “Hindi ako makalabas dahil lagpas ulo na ang tubig eh. Hindi na ako nakalabas. Hindi na ako lumusong, giniginaw ako,” ani lolo. Halos 24 oras daw siyang nagtiis sa lamig dulot ng pag-ulan at pagbaha.

Imahe kuha mula sa video ng GMA News via YouTube channel

Dagdag pa ng lolo, hindi na umano siya lumabas ng kanilang bahay dahil na rin sa lamig at tubig-baha. Ang kanya namang kapitbahay ay tumuntong na umano sa isang pool table upang hindi tangayin ng tubig.

Nang medyo humupa na ang tubig ay hinahap umano ni Lolo Avelino ang gate ng kanilang bahay na natangay dahil sa malakas na pagragasa ng baha. Nakatapak pa nga ng pako ang lolo at hindi ininda ang sugat maayos lamang ang kanilang gate.


Loading...
Source :

Facebook, YouTube

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: