‘2020 na, magbago ka na’: Nadine Lustre may pasaring sa mga gumagawa ng issue sa larawan ni James Reid kasama ang ibang tao

  • Kamakailan, isang artist ang nag-post ng larawan kasama si James Reid at iba pang kaibigan
  • Maraming netizens ang nakapansin na wala sa litrato si Nadine Lustre at inisip na may ibang karelasyon si James na nasa litrato
  • Hindi naman napigilan ni Nadine na sumagot sa mga nangba-bash na netizen sa artist na kanyang kaibigan

“We don’t welcome hate in our house” — ito ang mensahe ng aktres at singer na si Nadine Lustre para sa mga netizens na gumagawa ng isyu patungkol sa larawan ni James Reid kasama ang ibang tao.

Imahe mula Instagram

Kamakailan ay ibinahagi ng artist na si  Lucy Fisch ang litrato ng kanilang “Thanksgiving dinner” kasama ang mga kaibigan. Kabilang at naka-tag sa litrato ang aktor at singer na si James Reid. Dahil maraming netizens ang nakapansin na hindi kasama si Nadine, mayroong mga nagpalagay na karelasyon ni James si Lucy.

“What a lovely Friendsgiving dinner! An incredible success with great food and great conversation. Eating with like minded people, exchanging thoughts, laughing, it’s the simple things that really make for the best memories,” ang inilagay na caption ni Lucy sa litrato.

Dahil sa dami ng tags at mention kay James at Nadine kung bakit hindi siya kabilang o kasama sa litrato, hindi na napigilan ng aktres ang sarili na sumagot sa ilan sa mga ito. “Uhm… I was actually invited,” ani Nadine sa isang comment. Nilagyan pa niya ito ng hashtag na #JokesonUlol at #2020namagbagokana.

Imahe mula kay James Reid via Instagram

Nagbigay pa siya ng ilang comments sa mga “haters” na kumukuwestiyon at gumagawa ng isyu sa kanya at sa mga kaibigan nila ni James. “Haters who use fake accounts don’t have balls. #sadlyf.” Habang sinagot naman niya ang isang netizen na tinawag siyang desperada ng “utot mo blue.”

Hindi lang ito ang unang pagkakataon na ipinagtanggol ni Nadine mula sa mga bashers ang mga kaibigan nila ni James na nali-link sa aktor. Una nang nilinaw ni Nadine na hindi si Issa Pressman ang dahilan ng kanilang hiwalayan noong January ngayong taon.

Kahit wala pang kumpirmasyon mula kina James at Nadine kung nagkabalikan na sila, maraming tagahanga ang umaasa pa rin sa kanilang relasyon lalo na at nananatili silang close at magkasama pa sa mga proyekto.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: